Friday , November 15 2024
Rufa Mae Quinto GMA

Pagbabalik-Kapuso ni Rufa Mae suportado ng asawa

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULING kagigiliwan ng viewers ang mga sikat na linyang, “Todo na ‘to!” at “Go, go, go!” sa pagbabalik-Kapuso ni Rufa Mae Quinto, na isa na ngayong Sparkle star.

Nagulat din mismo si Rufa Mae sa bilis ng mga pangyayari na isa na siyang Sparkle star.

Ayon kay Rufa, matapos lamang ang ilang pag-uusap sa talent arm ng Kapuso Network, mayroon na agad siyang pa-welcome back bilang Kapuso.

“Laging sakto lahat ng pagbabalik ko. Nagka-management, nagkaroon ng back to GMA,” sabi ni Rufa.

Lumaki rin ako sa GMA, lahat ginawa ko na riyan, magpakain sa buwaya na lang ang hindi,” natatawang biro ni Rufa Mae.

“Nag-host ako, nag-sitcom, nag-gag show, naging mermaid, naging Darna,” pagpapatuloy pa ng comedienne.

Agad nang sumabak si Rufa Mae sa guestings sa pagbabalik niya bilang Kapuso, tulad ng Mars Pa More at Family Feud.

Sinabi ni Rufa na tuwang tuwa siya na para lamang itong reunion sa mga dati niyang nakatrabaho sa Kapuso Network.

Mapapanood din si Rufa sa isang episode ng Tadhana sa Sabado.

Unang beses makakasama ni Rufa ang co-stars niya sa proyekto, tulad nina Arra San Agustin, Ashley Ortega, Irma Adlawan, Luis Hontiveros, at Tober Fabregas.

Samantala, pabalik naman si Rufa Mae sa Amerika dahil may mga gagawin siyang show doon, pero babalik at mananatili siya nang matagal sa Pilipinas dahil na-miss niya ang showbiz.

Pinasalamatan naman niya ang kanyang asawang si Trevor Magallanes, na supportive sa kanya.

Sabi niya ‘Sige magtrabaho muna tayo nang todo-todo ng isang taon tapos focus muna roon,’” kuwento ni Rufa Mae.

About Rommel Gonzales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …