Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Ayuda Leyte

Pag-aayuda ni Angel sa Leyte binigyan ng political color

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPADALA ng ayuda si Angel Locsin sa mga biktima ng bagyong Agaton sa Leyte. Ewan kung paano niya ipinaabot iyon doon, pero nagkaroon ng political color ang kanyang pagtulong dahil diretsahan naman siyang nangangampanya ngayon para sa isang kandidato. Hindi gaya noong araw na nagbibigay man siya ng tulong dumadaan naman iyon sa Red Cross na volunteer siya noon pa man. Walang anumang kulay ng politika iyon.

Pero sabi nga ng ilang observers, hindi mo masisisi si Angel dahil baka nadesmaya rin siya sa ginagawa niyang pagtulong noong araw. Naging masigasig siya noong panahong nagsisimula pa lang ang pandemya ng Covid. Ang dami niyang naipatayong tent na naging quarantine facility ng mga ospital, pahingahan ng mga frontliner, at silungan ng mga pulis at militar na nasa mga checkpoint, bukod pa sa mga pagkaing kanyang ipinadadala. Sa kabila ng ginagawa niya ni-red tag pa siya at pinagbintangang subersibo raw dahil ang kapatid niya ay NPA. Wala rin namang nangyari sa red tagging dahil wala naman silang napatunayang illegal na ginagawa ni Angel, pero halata mong nadesmaya siya dahil magmula noon, kontrolado na ang kanyang kilos at kung tumulong man personal na lang niyang ginagawa. Iyon nga

lang, ngayon ay may political color na.

Pero ano man ang sabihin ninyo, ang ibinibigay niyang ayuda ay ayuda pa rin. Hindi naman sinabing pinipili niya ang binibigyan ng ayuda. Hindi rin naman sinasabing may hinihingi siyang kapalit na boto sa ipinamimigay niyang ayuda. Kaya lagyan man iyon ng political color ng iba, hindi naman yata tama.

Hindi lang naman ngayon iyan ginawa ni Angel. Noon pa man tumutulong na siya, at wala namang kinalaman iyon kung may kaanak pa siyang kandidato. Hindi naman nakikialam ang mga kaanak niya sa kanya. Hindi rin naman ang kaanak niya ang talagang ineendoso niya. Maaaring ang political endorsement ni Angel ay dahil pa nga sa impluwensiya ng ABS-CBN, dahil kita rin naman kung saan sila kumikiling  at kung ano naman ang dahilan.

Siguro nga hanggang hindi natatapos ang eleksiyon, mananatiling ganyan iyan. Pero hindi bale, tutal ilang araw na lang naman ang natitira.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …