Monday , November 18 2024
Leni Robredo Piolo Pascual

Piolo suportado si VP Leni 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAG-FLEX na si Piolo Pascual ng kulay na suportado niya sa Presidente – Pink!

Yes, suportado ni Piolo si VP Leni na ayon sa aktor ay, “Tunay na mukha ng unity!”

Sa isang video message, sinabi ng aktor na si  VP Leni lamang ang tanging kandidato na nakapagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga Filipino na magtulungan at magsama-sama para sa mas magandang bukas ng Pilipinas.

Ang totoong pagkakaisa ay isang pangako na walang maiiwan, lahat tayo ay magkakasabay na humahakbang para sa pangarap na lipunan,” sabi ni Piolo.

Dagdag pa ng aktor, ang tunay na pagkakaisa ng taumbayan ay makakamit lamang sa ilalim ng bukas, tapat at mahusay na pamamahala na maibibigay lamang ni VP Leni.

Kamakailan, mahigit 220k na supporters at volunteers ni VP Leni sa San Fernando, Pampanga ang sumuporta at sumama sa rally.

Isa si Piolo sa mga celeb na dumarami sa pagbibigay ng suporta kay VP Leni.

About Jun Nardo

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …