SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
SUMALANG noong Sabado at Linggo ang P-Pop Group na G22 at VXON sa katatapos na 2022 P-Pop Convention sa New Frontier Theater at Smart Araneta Coliseum kasama ang mga matagal na at baguhang P-Pop group mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Para ngang hindi baguhan ang G22 at VXON dahil nakipagsabayan at hindi sila nagpahuli sa mga may pangalan na at sikat nang P-Pop group.
Kaya naman sobrang saya ng dalawang grupo dahil isa sila sa mga baguhang sumalang sa convention na iyon. Bago ang pagsalang ng dalawang grupo nagpahayag ng kasiyahan ang VXON na binubuo nina C13 (Leader/Main Rapper), Patrick (Main Dancer), Franz (Main Vocals), Sam (Lead Rapper/Lead Vocals), at Vince (Visual/Lead Vocals). Ganoon din ang pahayag ng G22 na binubuo naman nina AJ (Leader/Main Rapper), Jaz (Main Vocal), Bianca (Main Dancer/Sub-rapper), at Alfea (Visual/Lead Vocal).
“We are very honored and grateful to be surrounded by sucn amazing artists and P-pop idols din po. It’s just so surreal and we’re so thankful,” sambit ni Jaz sa isinagawang media conference noong Huwebes sa B Hotel, Quezon City.
Pag-amin ni Franch, matagal na nilang pangarap na magkaroon ng P-Pop convention tulad ng nangyari noong April 9 at 10 na nagperform sila sa iisang stage kasama ang iba pang P-pop groups.
Aniya, “Finally, ito na, nangyayari na and we’re happy makasama ‘yung iba pang mga P-pop group, our brothers and sisters, in one event.”
Maging si C13 ng VXOn ay excited din. Anang binata, “Yeah, we’re very excited po ’coz this event is one for the books since ito nga po ang first event na magsasama-sama lahat ng P-pop groups and we’re very excited po na makasama ang ibang P-pop groups sa isang stage.”
Matindi ang dinaanan ng dalawang grupo dahil mahigit isang taon silang sinanay na nagkaroon pa ng pagpapalit o pagtanggal sa kanila dahil sobra silang sinala. Kaya naman talagang gustong maraming kapwa ng G22 at VXON ang tagumpay para hindi masayang ang pagod nila at ang tiwalang ibinigay sa kanila ng Cornerstone Entertainment headed na si Erickson Raymundo.
Bukod sa P-Pop Convention na naganap sa New Frontier Theater at Araneta Coliseum, isa rin sila sa nag-concert sa Dubai Expo 2020. Napag-alaman naming pinagkaguluhan din sila roon at naging mainit ang naging pagtangap sa kanila tulad ng ibang P-Pop group.
Samantala, tinaguriang Monster Rookies of P-Pop ang VXON dahil nakapaglabas na sila ng dalawang kanta na pinamagatang The Beast at P.S.
P-Pop’s Newest Caliber naman ang G22 dahil mala-femme fatale ang debut single nilang Bang.
Ang musika ng VXON at G22 ay eksklusibong inilabas, ipinamamahagi, at ipino-produce ng Cornerstone Entertainment.
Sabay na inilunsad ng Cornerstone Entertainment ang VXON at G22. Kapwa gwapo at magaganda ang mga miyembro kaya naman natanong din sila kung gusto ba nilang mag-artista.
Anila, singing ang priority nila sa ngayon, pero kung darating ang time na mabigyan sila ng pagkakataon na makaarte, susubukan din nila.