Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Lopez Golden Mosque

Paghahanda sa Ramadan nilahukan ni Alex Lopez

NAGTUNGO si Atty. Alex Lopez sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., Quiapo, Maynila nitong Huwebes ng umaga.

Dumalo at nakiisa si Atty. Lopez sa kinaugaliang seremonya ng paglilinis ng Mosque bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula sa Sabado, 2 Abril hanggang 2 Mayo ng taong kasalukuyan.

Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) upang pangunahan ang aktibidad sa Grand Mosque at sumali si Atty. Alex sa paglilinis.

Ipinaalala ni Lopez na si Pangulong Ferdinand Marcos  ang responsable sa pagpapatayo ng Grand Mosque. Nakasabay niya si Senadora Imee Marcos, panganay na kapatid ni Bongbong Marcos na kasalukuyang tumatakbong presidente ng Filipinas, sa pagbisita sa naturang  Mosque at malugod silang tinanggap ng mga lider ng Muslim Community.

Ang mga kapatid na Muslim ang ilan sa mga vendors ng Maynila, na ipinahayag ni Atty. Alex na isusulong ang mga karapatan ng mga kapatid nating Muslim at sisiguraduhing magkakaroon sila ng marangal na hanapbuhay.

Matatandaan, noong nakaraang linggo, lumagda si Atty. Alex Lopez, Raymond Bagatsing at ilang kumakatawan sa mga Manilenyong Muslim sa isang kasunduan ng pagkakaisa at magdadala ng mabuti at inklusibong pamahalaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …