Sunday , December 22 2024
Dave Almarinez

Proclamation rally ni Almarinez sa Laguna, sinuportahan ng 20,000 residente

DINAGSA at nagpahayag ng suporta ang 20,000 mamamayan ng San Pedro, Laguna sa grand proclamation rally ni congressional candidate Dave Almarinez sa unang distrito ng Laguna para sa Mayo 2022.

Ang proclamation rally ni Almarinez, asawa ng beteranong artista na si Ara Mina, ay isinagawa nitong nakalipas na Linggo, 27 Marso, isa sa maituturing na pinakamalaking local political sorties sa bayan sa panahon, na ang tanging layunin ay ang walang humpay na paglingkod at patuloy na kahaharapin ang pangangailangan ng mamamayan ng San Pedro.

“Panahon na para bumilis at mabago ang buhay ng mga taga-San Pedro, Laguna. Kilala ko ang mukha ng bawat isa sa inyo ngayong gabi. Hinding-hindi ko kayo bibiguin. Hinding-hindi kayo bibiguin ng pamilya Almarinez,” pangako ni Almarinez sa mga dumalo at maging sa mga suporter niya na hindi nakarating o sa mamamayan ng bayan.

Naging kulay puti at berde ang Rosario Evacuation Complex, ang pinagganapan ng rally, dahil sa 20,000 supporters ni Almarinez na ang puwersa ay kumikilala sa pakikipagharap ni Almarinez sa labanan sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Laguna.

Maging sa pag-ikot ni Almarinez at ng misis sa mga lansangan ng San Pedro, nagpahayag din ng suporta ang mamamayan ng bayan kung saan ay kanilang isinisigaw ang katagang “Panalo na!

“Di pa man siya nakaupo, may mga programa na siyang napapakinabangan ng tao – free WiFi stations, dialysis centers, scholars, at marami pa. Ano pa kaya pag nakaupo na siya,” pahayag ng isa sa masugid na sumusuporta kay Almarinez.

“Kung siya ang manalo, alam namin na mararamdaman namin ang tunay na pagbabago sa San Pedro,” dagdag ng suppoter.

Tiniyak ni Almarinez sa kanyang mga kababayan na patuloy at bibigyang prayoridad ang kanilang pangangailangan tulad ng makabago at modernong kagamitan para sa pangangalaga ng kalusugan.

Si Almarinez ay naging daan para sa iba’t ibang proyekto ng bayan kabilang rito ang 10 dialysis facilities para sa mamamayan ng bayan.

Naglagay din siya ng 60 free Wi- Fi stations na pawang may speed na 50-500 Mbps sa 27 barangay ng San Pedro.

Sa pagiging tatlong termino bilang bokal ng lalawigan ng Laguna, si Almarinez ay parating number 1. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …