Sunday , December 22 2024

Pulse Asia binatikos sa sablay na pa-survey

UMANI ng batikos ang Pulse Asia dahil sa hindi scientific at sablay nitong paraan sa pagpili ng mga lugar kung saan kukuha ng respondents para sa mga election survey nito.

Sa kanyang column sa Manila Times, binatikos ni Al Vitangcol ang Pulse Asia, partikular ang pahayag ng pangulo nito na si Ronald Holmes sa isang panayam sa telebisyon ukol sa pagpili ng lugar kung saan huhugutin ang respondents.

Sinabi ni Holmes, hindi tinutukoy at pinag-aaralan ng Pulse Asia ang mga lugar kung saan kukuha ng respondents. 

“We did not get any respondents from Class A, B,” ani Holmes.

“In other words, they used simple random sampling (which is unreliable and unrealistic) instead of stratified sampling,” wika ni Vitangcol sa kanyang column, na nagsabing dahil sa kapalpakang ito kaya palaging nagte-trending ang hashtag na #FalseAsia kapag naglalabas ng bagong poll survey.

Iginiit ni Vitangcol, kung gumagamit ang survey ng random sampling, hindi ito puwedeng pagkatiwalaan.

“To put it simply, it lacks accuracy and integrity,” aniya, idinagdag na ang nasabing paraan ay “unscientific” at “flawed.”

Sinabi niyang dapat ibinatay ng Pulse Asia ang sample size nito batay sa laki ng isang lugar imbes gumamit ng random selection sa pagpili ng mga lugar.

Kinuwestiyon din niya ang pahayag ni Holmes na masyadong maliit Class A at B para mapabilang sa survey dahil isa hanggang tatlong porsiyento lang nito ng mga bomoboto.

“He was so wrong about this! No matter how small a stratum is, it should still be included,” ani Vitangcol.

Nabahala rin si Vitangcol na nakatuon lang ang Pulse Asia sa pagbebenta nito ng survey sa mga political group imbes magsagawa ng pre-election surveys na nakabatay sa siyensiya.

Inamin mismo ni Holmes sa panayam sa telebisyon na inaalok nila ang surveys sa maraming grupong politikal sa halagang P5 milyon.

“That’s the way by which we cover the costs,” ani Holmes.

Bago ito, sinabi in economist Andrew Masigan, sa kanyang column sa Philippine Star, hindi lahat ng survey ay tama.  Aniya, nagbibigay lang ito ng larawan kung paano sinasagot ng mga tao ang isang partikular na tanong. 

Sinabi niyang hindi ipinapakita ng national surveys ang totoong nais ng mga botante.

Sa kabilang banda, sinabi ni Masigan na nalalaman ng Google Trends ang resulta ng halalan batay sa online behavior ng mga botante sa isang partikular na panahon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …