Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benjamin sa role sa Artikulo 247 Nagkamali yata sila

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI natuloy ang plano sana ni Benjamin Alves na bisitahin ang kanyang ina at pamilya sa Guam noong nakarang Pasko at Bagong Taon.

Everytime I try to go, we somehow end up ulit na nag-i-ECQ,” pakli ni Benjamin nang sa zoom mediacon ng Artikulo 247 na isa siya sa mga cast members bilang si Noah.

“So hindi natuloy and then work came, so hopefully… my birthday is end of March so hopefully the plan is to spend my birthday there because na-lift na ‘yung mga quarantine restriction. So hopefully I get to spend end of March and most of April there.

“Perfect kasi it’s summer,” sinabi pa ni Benjamin.

Isa si Benjamin sa mga artistang sanay na sa lock in taping.

Bakit para kay Benjamin ay worth it na sumalang sa lock in sa mga proyekto niya for GMA?

“Well it gives opportunity to provide and not only for us kasi kami lang naman nasa kamera. Pero you have to think about everybody working behind the camera who has families and people to provide for, it makes it possible for them, to also provide.

“‘Yung first lock in namin was really good timing kasi it was right before Christmas so, nakatutuwa na everyone was able to come home, to get a salary and getting ready for Christmas.

“Para naman mag-iba ang Christams ng 2021 as opposed to 2020 na talagang medyo walang taping that time. So iyon lang ang naiisip ko.”

Binata pa si Benjamin hindi tulad ng Artikulo 247 co-stars niyang sina Mark Herras at Mike Tan na may asawa at mga anak na.

Of course may aso rin kami na parang bata na rin na never na tatanda,” at natawa si Benjamin pagtukoy sa pet dog nila ng girlfriend niya, “so yeah, ‘yung provision, to be able to provide for, make it possible for us to provide, for everyone to provide for their own families.”

Galing si Benjamin sa light romcom series na Owe My Love at ngayon ay medyo mabigat ang tema ng Artikulo 247 at ang papel ni Benjamin.

Kumusta ang transition niya sa pag-arte?

Tingin ko nagkamali yata sila, tingin ko dapat kay Mark ibinigay,” at muling tumawa si Benjamin. “Kasi nga to the point na pagbigay sa amin ng script ang nakapangalan ng sa akin “Mark Herras,”  kaya talagang nagkamali.

Hindi, joke,” pagbawi ni Benjamin. “But yeah, again it’s nice to, even during the pandemic, na you would probably accept work nonetheless, GMA, ETV and GMA Artist Center or Sparkle, they still find ways to challenge you, iyon pa rin ang naiisip nila.

“Not just to provide for you na, ‘Eto, kailangan mo kasi ng trabaho,’ they still… may ganoon pa rin silang care or parang vision para sa iyo na mag-iba ka naman ng atake, may ipakita kang iba.”

Nakita ni Benjamin na silang mga artista ng Artikulo 247, tulad nina Mark, Mike, Kris Bernal at Rhian Ramos at iba pa niyang co-stars ay may ibang atake sa kani-kanilang papel dahil may iba-iba silang rason sa likod ng kamera.

“I see the maturity in Mark’s acting, kay Mike, and yeah, Kris and Rhian, everybody, so nakatutuwa. Parang may ibang gusto or may ibang zest ‘yung pag-arte ng mga kasama ko.”     

Sa direksyon ni Jorron Lee Monroy at napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Little Princess.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …