TILA nagpatutsada si Toni Gonzaga sa mga kritiko niya at mga marites na madalas siyang pukulin ng mga intriga.
Ang magaling na host ay madalas sa mga campaign sorties ng BBM-Sara tandem. Isa sa napanood namin noong isang araw ay ang sortie nila sa Cavite.
Dito’y masayang nabanggit ni Toni na: “Napakasarap po na makasama sa rally ng Uniteam, sapagkat sa Uniteam, hindi uso ang canceled culture. Ang buhay na buhay sa Uniteam, Filipino Culture!
“Kung ang puso ng iba ay punong-puno ng galit, ang puso nating lahat, punong-puno ng pagmamahal at pang-unawa!”
Bulalas pa ng aktres/TV host, “Bayad daw po ako…! Bayad po ba kayo?!” Na sumagot naman ang crowd at sinabing, “Hindi kami bayad! Hindi kami bayad!”
Pagpapatuloy pa ni Toni habang nagsasalita sa entablado, “Kaya po katulad ni BBM, hindi na po natin dapat pinapatulan ang mga ganyang bagay. Dahil kapag alam ninyo ang katotohanan, hinding-hindi kayo kayang sirain ng kasinungalingan!
“Kaya naman po sa lahat nang nang-aaway sa inyo, nangungutya sa inyo, pinipintasan kayo, katulad ni BBM, huwag na po tayong lumaban. Patuloy tayong magpakumbaba, dahil katulad ni BBM na laging nagpapakumbaba, kaya naman si BBM, lalong tumataas!
“Maraming-maraming salamat po Cavite, kaisa nyo po ang aking puso na sumusuporta at nagmamahal sa Uniteam. Para po sa ating bayan, para po sa Filipinas, Uniteam ang kailangan!” Pahayag pa ni Toni.
Dito’y minsan pang ipinakita at pinatunayan ni Toni kung gaano siya kagaling na host. Sadyang kuhang-kuha niya ang atensiyon at pulso ng crowd. Napansin din namin na habang nagsasalita siya, alam niya kung kailan dapat tumigil o mag-pause para i-acknowledge ang applause at sigawan ng mga tao. And alam din ni Toni, kung kailan niya dapat lalong lakasan o isigaw ang sinasabi niya, para mas maging matindi ang impact nito sa crowd.
Masasabi namin na isa si Toni sa alas at secret weapon ng BBM-Sara, kaya lalo itong patok sa masa.
Kudos sa iyo sa Toni!