Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

No.1 PDID ng NPD
LIDER NG CRIMINAL GANG ARESTADO SA PANGASINAN

HINDI nakapalag nang silbihan ng warrant at arestohin ang lider ng ‘Reyes & Abaya’ criminal gang, nakalistang no. 1 sa Priority Database on Illegal Drugs (PDID) ng Northern Police District (NPD) matapos masakote sa Alaminos City, Pangasinan.

Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, hepe ng DID-NPD ang naarestong akusado na si Jimmy Abaya, alyas JimJim, 34 anyos, residente sa Zone 4, Brgy. Bued, Alaminos City, Pangasinan.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa pinagtataguan ni Abaya sa Pangasinan na naging dahilan upang bumuo ng team ang DID-IOS, NPD sa pangunguna ni P/CMSgt. Joselito Bagting.

Kasama ang mga operatiba ng Malabon Police Station Intelligence Branch (SIB) sa pamumuno ni P/Lt. Zoilo Arquillo, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot, agad ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Abaya sa Zone 4, Brgy. Bued, Alaminos City, Pangasinan dakong 3:30 pm.

Sa ulat ni P/Lt. Arquillo, hindi na nakapalag si Abaya nang ihain sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng RTC Branch 169, Malabon City para sa kasong Murder at Frustrated Murder. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …