HABANG ikinatuwa ni Mayor Sara Duterte ang suporta at kagustohan ng mga tao na maging bise presidente siya ni Leni Robredo, sinabi ng kandidato ng UniTeam para bise presidente na hindi siya hihiwalay sa kanyang running mate na si Ferdinand Marcos, Jr.
Ani Duterte kahapon sa lalawigan ng Quezon, marunong siyang tumupad sa pangako.
“But I am a person, a woman, a leader who values commitment and word of honor. I am running for the position of vice president and my president is Bongbong Marcos,” ayon kay Sara.
“Once again, let me reiterate that I am aware that many of you wish to see me with another presidential candidate. I take that as a sign of confidence in me as a leader and for that, I am truly, deeply touched and honored,” aniya.
May mga politikong kagaya ni Rep. Joey Salceda ng Albay na nagpahayag na ang sinusuportahan niyang kandidato pare presidente ay si Leni Rebredo at ang bise ay si Sara.
Inilinaw ng mayora na pinili niya ang pagtakbo bilang bise presidente ni Marcos.
“The presidency was the option for Apo BBM as it was for me. I chose the vice presidency,” anang kandidato.
Ipinaliwanag ni Sara, noong nagkasundo sila ni Marcos na buuin ang UniTeam, ang kanilang layunin ay iangat ang buhay ng mga Filipino at paunlarin ang bansa.
“I intend to honor the commitment of my parties the Lakas – Christian Muslim Democrats and Hugpong Ng Pagbabago, that is to support Bongbong Marcos as the president,” paliwanag ni Sara. (GERRY BALDO)