Saturday , November 16 2024

Sa Boracay
2 TURISTA NATAGPUANG PATAY SA HOTEL

WALANG BUHAY nang matagpuan ang dalawang turista, kabilang ang isang Australian national, sa loob ng kanilang silid sa isang hotel sa isla ng Boracay, sa Malay, Aklan nitong Lunes, 21 Marso.

Kinilala ang mga turistang sina Dennis Yu, 44 anyos, isang Filipino ayon sa kaniyang ID card; at Maria Cecilia Jellicode, isang Australian national ayon sa kaniyang pasaporte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Malay MPS, nakitaan ng mga pinsala sa katawan ang dalawa na indikasyong hindi natural ang kanilang kamatayan.

Pahayag ni P/Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay police, hinihintay pa nila ang resulta ng awtopsiya upang matukoy ang dahilan ng kamatayan ng dalawa.

Wala rin umanongn palatandaan na mayroong ibang taong pumasok sa kanilang silid base sa kuha ng mga security camera at mga security record.

Walang nawawala sa kanilang mga personal na gamit gaya ng pera, alahas, laptop, at mga cellphones.

Natagpuan ang halos magkatabing katawan ng dalawang turista sa sahig ng silid sa Brgy. Balabag bandang tanghali kamakalawa nang tingnan ng isang hotel staff dahil nakatakda na silang mag-check out.

Dumating ang dalawang turista sa isla noong 13 Marso at nakatakdang mag-check out noong Lunes mula sa kanilang accommodation extention.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …