Monday , December 23 2024
JAMSAP Jojo Flores Maricar Moina

JAMSAP pinalawak pa, tuloy sa pagtulong sa entertainment industry 

ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG dati’y nagbibigay lamang ng mga talent sa mga teleserye ng ABS-CBN at GMA7, events at iba pang relevant documentaries, ngayo’y pinalaki na ng Jamsap Entertainment Corporation ang kanilang sakop sa entertainment. Ang JAMSAP ay ang umbrella corporation na ng Jams Artist Production, Jams Top Model Philippines, Jams Artst Talent Center, at Jams Basketball Training Camp na may tagline na, The New Revolution of Entertainment.

Kasabay ng pahayag ng pagpapalawak ng kanilang negosyo ang pagpapasinaya  ng JAMSAP Entertainment Corp na pag-aari ng mag-asawang Jojo Flores at Maricar Moina at ilang business partners.

Ang bagong tanggapan nila ay nasa One Executive Building sa West Ave., QC.

Ang pasinaya ay dinaluhan ito ng iba’t ibang personalidad mula sa pageantry, entertainment, at sports.

Taong 2012, sinimulan ang Jams Artist Production sa pangunguna nina Jojo at Maricar. Ito ay isang talent at event production company na kinakatawan ang pool of artists at models sa larangan ng fashion at pelikula.

Taong 2014, nakilala ito bilang talent and casting agency na nagpoprodyus ng credible at reliable talents sa iba’t ibang media platforms at networks. Ginawaran pa nga ito bilang best talent agency ng Golden Globe Annual Awards. 

Noong 2017 naman, nagpatuloy ang paglawak nito at nagkaroon ng mga sangay sa buong bansa para makapagbigay ng serbisyo at makatuklas ng mga natatanging indibidwal. Sa patuloy na pagyabong nito, nabuksan ang maraming oportunidad at events sa publiko na nagresulta para ipanganak ng Jams Top Model Phils at Jams Artist Talent Center na nagresulta sa pagkakaron ng panibagong award mula sa Philippine  Award for Customer Service Excellence, ang prestihiyosong Gold Service Excellence Award noong 2018.

Ayon kay Flores, layunin nilang makapaglingkod pa sa entertanment industry kaya naman nagsanib-puwersa ang tatlong brands para mabuo ang isang malaking korporasyon, ang JAMSAP Entertainment Corp.

At ngayong 2022, magsasagawa ito ng iba-ibang workshops, kabilang ang Jams Top Model Phils. Season 4,Documentaries, Lakbay Jams Magazine segment and more digital series.

“Today a lot of people giving up on their dreams because they think that they are not valid anymore. That they are not capable anymore. I want the workshops and events inspired them and remind them that every dream is valid and you can still reach that. No matter the circumstances, entertainment is one way to advocate positivity,” giit ni  Flores. 

At kahit may pandemic, tuloy sila pagtulong at desidido sila na ipagpatuloy ang nasimulan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …