Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Francis Magundayao

Francis ‘Iking’ kay Angel — Superhero ka pa rin sa mata ko, Darna

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PAGKARAAN ng 17 taon muling nagkita sina Angel Locsin at Francis Magundayao. Nangyari ang pagkikita nina Darna at Iking sa PasigLaban campaign rally nina presidential aspirant Vice President Leni Robredo at ka-tandem nitong si Senator Kiko Pangilinan.

Nagkasama sina Angel at  Francis sa Darna ng GMA 7 noong 2005. Ginampanan ni Angel si Narda/Darna habang si Francis naman ang nakababata niyang kapatid o ang kanyang sidekick.

Sa katuwaan, ipinost ni Francis sa Tiktok ang video ng kanilang pagkikita ng kanyang ate Angel. Ito ‘yung abalang nakikipagkamay si Angel sa ibang supporters ng Leni-Kiko     at sumigaw si Francis ng “Darna!” habang itinuturo sa kanyang likuran ang aktres. May caption itong, “Even after 17 years, superhero ka padin sa mata ko, ate @therealangellocsin #darna”

Sa nasabing video nagpakilala si Francis kay Angel,  “Hello po. Iking.”

Makikita rin sa video ang hawak-hawak na plakard ng aktres na may nakasulat na “Ma’am Leni, sa’yo na ang bato.” Ito ang batong isinusubo ni Narda para maging Darna.

Nagkomento naman si Angel ng, “Nice to see you my iking! [pink heart emoji]”

at sinagot ito ng binata ng “ate [crying emoji] salamat sa lahat ng pinaglalaban mo [heart emoji]”

Nag-post din si Angel sa kanyang Instagram story ng kanilang video ni Francis at may nakasulat na,m “Darna fans! Reunited with my Iking sa Darna!!! Labyu!”

Nag-post pa ng throwback photo si Angel kasama si Francis bilang Darna at  Iking na mula sa post ng isa sa kanyang fans.

Bukod sa  Darna, nagkatrabaho rin sina Angel at  Francis sa iba pang show sa GMA. Ito ang Asian Treasures noong 2007.

Bukod kina Angel at Francis, dumalo rin at nagbigay ng suporta sa Leni-Kiko PasigLaban campaign rally sina Jake Ejercito, Ben & Ben, Melai Cantiveros, Julia Barretto, Robi Domingo, Ebe Dancel, Elijah Canlas, Kokoy de Santos, at Donny Pangilinan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …