Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Ilang kapwa artista nadesmaya kay Sharon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BOKALISTA ngayon as in very vocal ang maraming kasama niya sa entertainment industry sa ginawa ng Megastar na si Sharon Cuneta. Nang kantahin ng Senatorial aspirant na si Salvador “Sal” Panelo ang Sana’y Wala Ng Wakas.

Na matapos ngang ireklamo ni Mega na tila hindi nabigyan ng hustisya ng butihing Sec. Panelo ang kanyang kanta, lumabas na matagal na pala nitong inaawit ‘yun para sa kanyang anak na may Down Syndrome na pumanaw na,  si Carlo at paborito niya rin ito.

Marami ang nadesmaya sa inasal ni Megastar kaya tinawag na nga siyang Negastar ng iba.

Gaya nina DA Arnell Ignacio at Dulce. Si DA Arnell ay gumawa ng video niya ng classic Willy Cruz song na inilabas ng Viva Records. At may nag-upload ng version ni Dulce ng kanta noong 2018. Matitinding versions bilang tribute na rin kay Atty. Sal. At sa kanyang anak.

Maraming beses ko nang napanood sa ilang events at napakinggan na umawit si Atty. Sal. At oo, maganda ang boses niya.

Nang makarating ito kay DA Arnell, kaagad, made a quick recording as a contribution to further mess up a classic.  

“Atty. Sal Panelo samahan na kita na tatawaging “nakakahiya.” TRIBUTE ko sa iyo bilang isang mapagmahal na AMA (salamat sa ilang kaibigan na nagrecord at sa nilapat ang audio sa video ( maraming salamat JJ MAGHIRANG )na kinunan ng nakainom na si Vandam Pinasarap . Salamat Curtis Castaneda  sa areglong pangmalakasan!”

At nagbigay ng kanyang opinyon ang komedyanang si Gladys Guevarra. 

Sayang iyong ilang dekadang binuo mo at pinakaingatang magandang imahe, sinira mo lang sa iisang nakakadiring post at negative reaction mo sa ginawang pag-awit ni Senator Panelo sa kanta na sinasabi mong dapat na ipinaalam sa iyo. 

“I used to have so much respect sa iyo, Mega bilang manga-awit din ako. Ngayon, malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay mong ugali.”

Apektado naman kaya si Mega ng mga sinasabi ng mga tao sa kanya ngayon?

Nasa estado na siya na wala ng pakialam kung titingnan, ‘di ba?

Kaya lang, may mali sa nangyari!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …