Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julius & Tintin balik-tambalan sa isang public service show

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BALIK-TELEBISYON ang OG love team na nagbigay sa atin ng #RelationshipGoals. Sa loob ng 20 taon, hindi natin sila narinig. At ngayon nagbabalik ang inspiring couples sa showbiz, sina Julius Babao at Christine Bersola-Babao sa pamamagitan ng Julius & Yinyin: Para sa Pamilyang Pilipino na mapakikinggan simula March 21  handog ng ONE PH.

Ang Julius & Tintin: Para sa Pamilyang Pilipino ay isang daily teleserbisyoprogram na makikinig at magbibigay ng advice sina Pappu Julius at Mammu Tin sa mga problema sa pag-ibig, asawa, anak, at sa bahay.

Handa nang pag-usapan nina Pappu Julius at Mammu Tin ang iba’t ibang mga isyu, maliit man o malaki, at maging bukas sa pagbahagi ng kanilang mga payo at kaalaman mula sa kanilang mga personal na experience bilang mag-asawa at magulang. Katuwang ang mga guest expert, kahit anong problema ay masosolusyonan basta’t madadaan sa mabuting usapan.

“In this show, we are open to all types of families who need advice with their problems,  and we will do our best to help them by reaching out to experts who could shed light on their situation,” ani Mammu Tin. 

Nagsimula ang love story nina Julius at Tintin noong sila’y naging co-host sa isang show noong 1996. Pagkalipas ng 10 taon, nagpakasal ang dalawa sa isang simbahan sa Antipolo. Hanggang ngayon, kitang-kita pa rin ang pagmamahalan ng mag-asawa habang pinapalaki ang kanilang dalawang anak na sina Anya at Nio.

Ibinahagi ni Julius ang kahalagahan ng pagdarasal sa pagkakaroon ng isang happy marriage. “Sometimes our prayer moments would end up in discussions where we would share our feelings and our stories with each other to a point that it kind of feels like a mini group therapy already… It’s important that you don’t count the bad things that happened in your life but you count the blessings so that you’ll be happier in life,” aniya.

Samahan sina Pappu Julius at Mammu Tin at pakinggan ang mga iba’t ibang kuwento mula sa kanilang mga caller at sabay nating matututunan ang sikreto sa masaya, matagumpay, at matagal na pagsasama sa Julius & Tintin: Para sa Pamilyang Pilipino, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m.. Mapapanood din si Tintin sa Mag-badyet Tayo!Lunes hanggang Biyernes, 10:00 a.m. Dito ibabahagi niya ang tamang pag-aalaga sa pera. Si Julius naman ay mapapanood sa Frontline Pilipinasaraw-araw tuwing 5:30 p.m. Lahat ng iyan ay mapapanood sa Cignal at SatLite One PH Ch. 1 at sa Cignal Play App.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …