Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

Helper, pinutukan ng kaalitan todas

PATAY ang isang helper matapos pagbabarilin ng matagal na niyang kaalitan sa loob ng isang palengke sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Gary Grape, 28 anyos, residente sa Luna II St., Brgy., San Agustin sa tama ng bala sa likod.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na kinilalang si Michael Delos Santos, 29 anyos, laborer, residente sa Taganahan St., Bagumbayan South, Navotas City.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief, Col. Albert Barot, dakong 2:00 am, naglalakad ang biktima sa loob ng Malabon Central Market sa F. Sevilla St., Brgy., Tañong nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng hindi mabatid na uri ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima sa likod.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon dala ang ginamit na baril habang naiwan ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.

Narekober ng nagrespondeng mga tauhan ng SOCO sa pangunguna ni P/Maj. Sonny Boy Tepace sa crime scence ang apat na basyo ng bala at isang deformed bullet.

Sa pahayag sa pulisya ng ilang saksi, may matagal ng alitan ang dalawa at pinagbantaan ng suspek ang biktima na papatayin kapag mabigyan siya ng pagkakataon. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …