Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginaya ng ibang presidentiables
MGA SAGOT NI PING PATOK SA DEBATE

MATATAG na nanindigan si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang programa na ibangon ang micro, small, and medium enterprises (MSME) na pinaluhod ng pandemya sa idinaos na unang serye ng “PiliPinas Debates 2022: The Turning
Point.”

Ang naturang debate ay inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Sabado sa Sofitel Hotel sa Pasay City at dinaluhan ng siyam na kandidato sa pagkapangulo. Unang tinanong ang mga lumahok kung anong sektor ang uunahin nilang tulungan para makabawi ang ekonomiya ng Filipinas.

Malumanay at kalmadong inilahad ni Lacson ang kanyang solusyon sa nabanggit na problema.

Ipinaliwanag niyang nasa 99.5 porsiyento ng Pinoy enterprises ang napapabilang sa MSME at nasa 400,000 manggagawa sa sektor na ito ang nawalan ng trabaho nang mapilitang magsara ang mga negosyo sa pananalasa ng COVID-19.

“Ang kailangan unahin magkaroon ng fiscal —comprehensive, ano — fiscal stimulus, ‘yung targeted at saka comprehensive na fiscal stimulus para sa ating mga MSME. Tulungan natin silang ibangon kasi napakalaki ng tama sa ating ekonomiya nanggaling sa sektor ng MSMEs,” seryosong tugon ni Lacson.

Matapos ang naturang sagot ay mistula siyang ginaya ng iba pang mga dumalo sa debate na sina Vice President Leni Robredo at kapwa senador na si Manny Pacquiao, habang ang iba namang kandidato tulad ni Manila Mayor Isko Moreno ay nagsabing uunahin ang sektor ng agrikultura.

Tugon ni Lacson sa bagay na ito, bagama’t hindi rin dapat na kalimutan ang sektor ng agrikultura, nasa 10 porsiyento lamang ang kontribusyon nito sa gross domestic product (GDP) ng bansa at nasa 22 porsiyento lamang ng buong labor force ng bansa ang nasasakop nito, kaya dapat mas unahin ang MSMEs.

Paliwanag ni Lacson, sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA), ang gobyerno ay naglaan ng P2 bilyong pondo sa pamamagitan ng small banking corporation sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Trade Industry (DTI) bilang bahagi ng muling pagpapasigla sa sektor ng MSME.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …