Sunday , December 22 2024

QC Jail warden Supt. Bonto, gumuguhit ng kasaysayan sa BJMP

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MASIPAG at talagang malakas ang inisyatiba ni Jail Supt. Michelle Ng Bonto ng Quezon City Jail. Nasabi natin ito dahil sa nakikita natin kung paano niya unti-unti binabago ang piitan na pansamantalang ipinagkakatiwala sa kanya.

Unti-unti, binabago para sa ikagaganda ng imahen ng QC Jail… hindi lang ang Bureau of Jail and Management (BJMP) ang makikinabang (in general) kung hindi maging ang mga inaalagaang persons deprived of liberty (PDLs) sa piitan.

Hindi inaaksaya ni Bonto ang bawat tik-tak ng relo at sa halip, ginagamit ang bawat segundo para mapanatili ang magandang imahen ng BJMP sa mamamayan — ang pagkatiwalaan ang ahensiya na tumutulong hubugin o para magbagong buhay ang inaalagaang inmates.

Tandaan sana natin, ang mga piitan ay hindi isang ‘impiyerno’ kung hindi isang rehabilitation center. Intiendes, mga suki.

Una’y, inilunsad ni Bonto sa QC Jail Male Dormitory ang Kadiwa cart. Alam n’yo naman siguro ang ibig sabihin kapag narinig o nabasa ang Kadiwa. Yes, sa ganitong uring programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) nakabibili tayo ng mga murang produktong agrikultura tulad ng gulay, prutas, bigas, karne, at iba pa.

Sa Kadiwa, mas mura ng mahigit sa P20.00 hanggang P50.00 ang nabibiling produkto rito kompara sa palengke.

Napagpasyahan ni Bonto na maglagay ng Kadiwa carts sa QC Jail sa tulong ng DA para makatulong sa mga dumadalaw na kaanak ng inmates. Sa pagdalaw, makabibili at makapag-uuwi sila ng mga murang produkto sa Kadiwa carts na nasa harapan ng QC Jail partikular sa Bernardo Park na matatagpuan sa Brgy. Kamuning, Diliman, QC.

Bilang panimula ng programang Kadiwa sa QC Jail, ito ay bukas tuwing Biyernes hanggang Linggo…at take note ha, hindi lang ang mga dalaw ang nakikinabang ngayon sa Kadiwa sa jail kung hindi maging ang mga komunidad na nakapaligid sa piitan.

Sa lahat ng piitan sa Metro Manila o buong bansa na nasa ilalim ng BJMP na pinamumunuan ni J/Director General Allan Iral, tanging ang QC Jail lang ang may Kadiwa. Nangyari ang lahat dahil sa inisyatiba ni Bonto…at iyan naman ay with the blessing of Gen. Iral.

At nitong 15 Marso 2022, gumuhit na naman si Bonto ng kasaysayan sa BJMP. Nanguna na naman ang ale sa “K9 narco dogs on duty” sa piitan. Ano ito? Pagtatalaga po ng K9 narcotics dog sa piitan. Yes, dog guard on duty.

Obvious siguro kung ano ang magiging trabaho ng K9 narcotics dog sa piitan. Gagamitin ito sa pagharang ng mga kontrabando na tangkang ipasok ng QC Jail partikular ang ilegal na droga.

Mismong sa entrada ng piitan kasama ang handler ng K9, tutulong si “K9” sa inspeksiyon ng mga bagahe ng mga dalaw na ipapasok sa piitan — mga bagaheng para sa mga inmate tulad ng pagkain, kagamitan at iba pa.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman, maraming dalaw ang matitigas ang ulo – ginagawa ang lahat ng paraan para makapagpuslit ng droga sa loob pero, mabuti naman at nasasawata rin ng mga jail guard. Mayroong isinisilid sa ulam, kanin, biscuit, at sa kung saan – saan pa. Nahaharang naman.

Ani Bonto, sa tulong ng K9 narco, magdadalawang isip nang magpasok ng kontrabando ang dalaw kapag nakita nilang may naka-duty nang K9 sa entrada ng kulungan.

Umubra ang ikalawang proyekto ni Bonto sa pakikipagtulungan ng QC Police District – Explosive and Canine Unit NCR (REDU-NCR) sa pagtatalaga ng K9 Narcotics Detention Dogs (K9 NDD) para masawata ang tangkang pagpasok at pagkalat ng droga sa piitan.

“This joint undertaking is in line with the mandate of the Bureau of Jail Management and Penology to ensure that the jail remains a Drug Free Workplace, strengthened by the commitment of the QCPD District Director P/BGen. Remus B. Medina to the QC LGU in protecting its QCitizens – the Juan and Juanas by deterring the transportation and proliferation of illegal drugs in Quezon City,” pahayag ni Bonto.

Simula noong ipinairal ang jail lockdown (Marso 2020), hindi na nakapapasok ang mga dalaw sa piitan kaya inimplementa ng BJMP sa lahat ng piitan ang “Paabot System.”

Sa paabot system, maaari pa rin magdala ang mga dalaw ng pagkain, medisina, kagamitan at iba pa, para sa kanilang kaanak na nakapiit. Lamang, hindi na sila puwedeng pumasok at sa halip ay iiwan na lang sa mga guard on duty sa entrada ang padala.

Siyempre, bago ipasok ng mga guwardiya ang mga padala ay isa-isa nila itong iniinspeksiyon para makatitiyak na walang isinilid na droga bukod sa dini-disinfect din ang mga padala.

Ngayon, may katuwang na ang mga jail guard sa entrada sa pag-inspeksiyon ng mga padala – ang K9 narco dog. Mapapadali na ang inspeksiyon sa mga padala pero kahit na idaan ito una sa K9, pagtiyagaan pa rin na isa-isang inspeksiyonan ng mga guwardiya “jail searchers team” ang mga padala. Ewan ko kung may makalulusot pang droga niyan.

Ang programa ni Bonto sampu ng kanyang personnel sa QC Jail ay suportado ni BJMP-NCR Regional Director J/Chief Supt. Luisito Muñoz maging ang pakikipagtulungan ng QCJMD sa QCPD na pinamumunuan ni P/BGen. Remus Medina bilang District Director.

Ninais ni Muñoz na sana ay maging beneficiary din ang lahat ng piitan na nasa ilalim ng BJMP-NCR sa programa ng QCPD.

“I hope that the BJMP-NCR Jails shall soon become one of the beneficiaries of the ongoing ‘QCPD Asong Pinoy Adoption – K9 Narcotics Detection Dogs Training Program’ a one of a kind best practice which can only be found in QCPD,” pahayag ni Muñoz.

Iyan si Supt. Bonto, gumuguhit ng kasaysayan sa BJMP…programa na hindi lang ang ahensiya ang makikinabang kung hindi ang bayan.

Keep up the good work Madame Michelle B.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …