Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benjamin Alves

Benjamin frustrated writer

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGKAROON ng solo presscon si Benjamin Alves na ipinatawag ng management na may hawak sa kanyang career, ang Empire.PH ni Jonas Gaffud na kilala ring sikat na beauty queen maker.

Masaya at excited si Benjamin dahil makikilala na ng mga manonood ang kanyang karakter na si Noah Borromeo ngayong ikalawang linggo ng GMA series na Artikulo 247.

Nakare-relate raw si Benjamin sa kanyang karakter na si Noah dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay noon kaya ang ilan sa mga monologue o linya niya sa series ay siya mismo ang sumulat.

“Maraming monologue rito si Noah na with the blessing of the director and writers, I was given the permission to write it myself or change it.”

Nagpapasalamat si Benjamin dahil nabigyan siya ng oras para makapagsulat habang kinukunan pa ang ibang mga eksena sa taping.

“So blessed naman ako because that time that we’re shooting certain scenes, parang dalawang speech ‘yung kay Mark (Herras) and then dalawang speech din ‘yung kay Rhian (Ramos). Maraming enough tapings (time) para masulat siya.

“So when I was trying to rewrite the monologues, I got into the character and wrote the monologue as if how Noah would say it.

“Siguro dahil frustrated writer din ako kaya ko iprinisinta ‘yung sarili ko sa ganoon.”

Si Noah ay isang architect na nawalan ng direksiyon ang buhay dahil sa pagkamatay ng kanyang kasintahan. Isa siya sa may-ari ng isang beach resort na pinatatakbo ng kanyang ina na si Sarah Borromeo (Carla Martinez) at kapatid na si Elijah Borromeo (Mark Herras).

Ang kanyang madilim na buhay ay magkakaroon ng kulay sa pagdating ni Jane Ortega (Rhian Ramos).

Anang aktor, mas titindi ang tensyon sa mga susunod na episode ng Artikulo 247 na dapat abangan ng lahat ng viewers.

“This week we’re gonna see the divide. Ito kasi ‘yung pagbabasehan ng next [episodes] until the very end. Itong mangyayari this week they will lay the grounds on the conflict with Rhian Ramos and Kris Bernal [as Klaire Almazan] at kung paano rin papasok ang conflict sa mga buhay namin [ng ibang characters],” ani Benjamin.

Umani ng mataas na ratings ang pilot week ng nasabing series at consistent na pinag-uusapan online.

Patuloy na tutukan ang mas umiinit na mga tagpo sa Artikulo 247, tuwing 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …