Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas
Navotas

Navoteño rehab grads nabigyan ng bagong pag-asa sa buhay

MAY 29 Navoteño na gumagamit ng droga (PWUDs) ang nabigyan ng bagong pag-asa sa buhay kasunod ng kanilang pagtatapos sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng pamahalaang lungsod ng Navotas.

Sa bilang na ito, anim ang children in conflict with the law (CICL) habang tatlo sa mga nagtapos ang matagumpay na nakapasa sa anim na buwang aftercare program.

“We are thankful to our graduates for choosing to change for the better and strive to become responsible citizens,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Acknowledging their addiction and fervently working to overcome it takes a lot of courage and self-control. We urge their families and our fellow Navoteños to support their endeavors and help them lead a changed life,” dagdag niya.

Ang mga dating PWUD ay sumailalim sa anim na buwang online at limitadong face-to-face counseling na isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) katuwang ang Narcotics Anonymous.

Kasama sa Bidahan online program ang mga lecture, group counseling, relapse prevention, pati na rin ang multi-family, couple’s counseling at therapy.

Saklaw ng programa ang 12 hakbang na pag-aaral ng grupo, women’s group, youth/CICL counseling, at mental health awareness.

“The journey to become better versions of themselves, and transform into responsible and productive citizens will not be easy. However, we promise to support and keep them on track up until they are fit and ready to be on their own,” pahayag ni Cong. John Rey Tiangco.

Nagsimula ang Bidahan noong Oktubre 2016. Labing-apat na batch na binubuo ng 248 dating gumagamit ng droga ang nakapagtapos ng community rehab and aftercare program. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …