SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
“NAG-EENJOY kaming kasama si John Lloyd. Gusto namin siya.” Ito ang tinuran ni GMA First VP for Program Management Department na si Joey Abacan sa isinagawang virtual media conference kamakailan.
Ito ay bilang tugon sa tanong kung kailan pipirma ng kontrata ang award winning actor ng exclusive contract sa kanilang network. Nasabi kasi ni John Lloyd Cruz sa isang interbyu niya na hindi siya Kapuso. Wala kasing pinirmahang exclusive contract ang aktor sa GMA.
Pero kahit walang exclusivie network contract si Lloydie, tiniyak ng GMa executive na may second season ang sitcom ng aktor, ang Happy ToGetHer. Nagsimula ito bago matapos ang 2021 at humataw ito sa ratings game.
“Sabihin na natin na nag-e-enjoy kaming kasama si John Lloyd, I’m sure. Gusto namin siya, and marami kaming ipini-pitch sa kanya na projects, ang ETV. ‘Yung ‘Happy ToGetHer’ is going to have a second season,” ani Abacan.
“So, ibig sabihin niyon, kasama pa rin namin siya. So, sana, huwag na muna siyang umalis, ‘di ba? I’m sure, ayaw n’yo rin ‘yun! Gusto n’yo rin siyang manatiling Kapuso!,” giit pa ni Abacan.
Bukod sa dalawang teleserye, plano ring ipag-produce ng GMA Films ng pelikula si John Lloyd, “We’re working on something with him right now. So, nandiyan lahat, basta nandiyan lang si John Lloyd. Abot-kamay lang siya.
“So, keri iyan. Very creative rin si John Lloyd. Kung anong maisip niya, ibinabato namin kina Nessa (Valdellon, GMA First VP for Public Affairs) at Lilybeth (Gomez-Rasonable, GMA Senior VP for GMA Entertainment Group), baka mayroon silang magawa.
“Pero at this point in time, we take everything a day at a time. Happy kami with what he’s actually doing,” sambit pa ni Joey.
At isa sa mga nais makatrabaho ni John Lloyd sa GMA ay ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo na tila hindi pa muna mapagbibigyan dahil sisimulan na ng aktres ang pagsasamahan nila ni Alden Richards, ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na Start-Up.
Samantala sa performance naman ng GMA sa 1st quarter nasabi ni Rasonable na maganda ang pasok sa kanila ng 2022. “Of course we’re very proud dahil ang ganda-ganda ng pasok ng 2022 sa GMA. Our ratings are even stronger, we had a very exciting line u of shows na currently airing now. And marami pang ginagawang mga program that will be launch in the near future, so it has been a good start, a good first quarter for GMA.”
“Besides GMA, we had Gtv that is doing so well,” ani Nessa. “It’s now the number two channel in the country, it overtook TV5 last year.
“Because News and Public Affairs produces so many of the programs of Gtv, I’m very proud of that.”
“Ang nakakatuwa rin naman, bukod doon sa sinabi from GMA, Gtv, we have our very very good DTT channels, and sa totoo lang, tumataas lahat. We have six channels right now and nakatutuwa kasi para bang lahat, gumaganda rin ‘yung pagtangkilik,” sambit naman ni Joey.
Pitong shows na ang inilunsad ng Entertainment Group sa kanilang first quarter. Ito ay ang mga show na Prima Donnas 2, Little Princess, Artikulo 247; I Can See You: Alternate, First Yaya, Widows’ We, Agimat ng Agila 2, at ang The Best Ka.
Ilulunsad naman sa March 24 ang game show na Family Feud.