Sunday , December 22 2024
Almarinez free Wi-Fi

Almarinez free Wi-Fi facilities sa Laguna, malaking tulong

DAHIL sa negatibong epekto ng CoVid-19 sa ekonomiya, nagbigay ng libreng 60 WI-FI facilities si San Pedro, Laguna congressional candidate Dave Almarinez sa 27 barangay sa lugar.

Layunin ng serbisyo na tinawag na “Dave Almarinez WI-FI Zone” ay para makatulong sa mabilis na pagrekober ng mga residente sa nangyaring paglagapak ng ekonomiya bunsod ng pandemya.

Inilagay ang mga internet infrastructure sa mga pampublikong lugar tulad ng liwasan, covered courts, transport terminals, at iba pa.

Ayon kay Almarinez, asawa ng artistang si Ara Mina, ang internet ay may bilis na 50 hangang 500 Mbps.

Naniniwala si Almarinez, marami ang makikinabang sa libreng Wi-Fi lalo ang mga negosyong may kaugnay sa paggamit ng delivery riders ng iba’t ibang delivery service apps at ang maliliit na negosyante sa 27 barangay ng San Pedro.

Bukod sa mga nabanggit, sinabi rin ni Almarinez na makikinabang rin sa proyekto ang mga estudyante at guro sa kanilang online class.

“Our Wi-Fi zones will give every resident of San Pedro free internet access to information and future digital opportunities. Ours are projects that are sustainable and beneficial to all sectors. Not only for us but for the next generation,” pahayag ni Almarinez.

Ikinatuwa at nagpasalamat sa pamamagitan ng social media gamit ang “Almarinez Wi-FI” ang mga residente ang proyekto ni Almarinez,

“Sa totoo lang, nakamamangha ang dami ng proyektong dinala niya rito sa San Pedro. Hindi pa nakaupo pero ang dami ng proyekto,” pahayag ni Belarmino sa kanyang FB post.

Bukod sa WI-FI, si Almarinez din ang nanguna para padaliin ang donasyon na 20,000 Moderna vaccines para sa lokal na pamahalaan ng San Pedro para makatulong at mapabilis ang pagbabakuna sa mga residente ng bayan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …