Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Calista

Music video ng Calista milyon ang ginastos

HARD TALK
ni Pilar Mateo

POWER! ‘Yan ang mayroon ang anim na dalagang inilunsad  ng T.E.A.M. (Tyronne Escalante Artist Management).

Taon din ang binilang bago mailunsad sina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle at Dain na kikilalanin bilang pinaka-bagong girl group sa music industry bilang Calista.

Power talaga ang ipinamalas ng girls mula sa kanilang video, at sa pagpapakinig ng kanta nilang Race Car na ginawa ni Marcus Davis hanggang sa pag-perform nila sa harap ng media kasama ang mga guests gaya ng YouTube star na sina Niana Guerrero at Billy Crawford (na umawit ng Chris Brown medley) na sinamahan ng hosting ni DJ Jai Ho.

Naggagandahan namang talaga ang Calista na masasabing super talented at nakitaan ng potensiyal to make it good sa international scene.

Ayon na rin sa manager nilang si Tyronne (na hindi kailang nasaktan sa unang grupo niyang binuo at nabuwag), na part ng goal ng Calista is to “rise and get there fast!” 

Sa launching ng kanilang video, sa mismong International Women’s Day, ipinamalas ng Calista na, “They are representing all women that are clsiming their space.They’re here and they’re ready to prove themselves,” dagdag pa ni Tyronne.

Paghahanda na rin ito sa major concert na sasalangan ng Calista sa April 26, 2022 sa Smart Araneta, ang Vax to Normal.

Sa concert na ihahatid ng TV5, makakasama ng grupo sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto, at Ken San Jose, na ipo-produce ng Merlion Events Production, Inc. ni Atty. Javier Flores, mula sa direksyon ni Nico Faustino.

Power ang paglulunsad sa Calista at hindi naman pinasubalian ni Tyronne na milyones din ang ginasta sa video ng mga ito. Na gumamit sila ng helicopter and sports car bilang Race Car nga ang kanta, pati na ang venues (sa Asian Aerospace airplane  hangar sa NAIA Comolex, Pasay) at I’M Hotel’s Antidote rooftop bar sa Makati, to Clark’s Internationak Speedway sa Mabalacat, Pampanga hanggang sa final edit na nito.

The works. Sabi nga. Maraming launching na girl group o mga pop groups ang tinalbugan ng Calista, ha!

Sa hotel (Novotel) pa lang, pagkain, giveaways, at asikaso sa mga dumalo, five star na ang ginawa ng T.E.A.M. at Merlion.

Alam ng Calista ang pinasok nila ngayon na katakot-takot na disiplina sa sarili ang dapat na unahin. Wala munang boyfriend. Focus muna sa career. Magtatrabaho as one at hindi magka-kanya-kanya working towards a commin goal. 

Calista is Call It A Star.

At ngayon, it’s all about Calista’s race to the top of the industry.

Sa ngayon, bawat isa eh loveable in her own way. Walang pa-attitude. Na kitang-kita naman sa kanilang bonding whether nasa harap sila ng kamera or unguarded moments.

Watch them Vrum Vrum Vrum!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …