Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariel Lim 2

Senatoriable Ariel Lim, dating trike driver kaya may malasakit sa transport sector

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LIKAS na sa senatorial aspirant na si Ariel Lim ang pagsisilbi sa masa, lalo na sa transport sector, kaya ito ang nais niyang tutukan nang husto sakaling papalarin sa gaganaping halalan sa darating na May.

Binansagang Mr. Transport si Lim dahil nag-umpisa siya bilang tricycle driver, na naging national leader dito at consultant ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Si Lim ang national chairman ng TODA at nagsilbi sa gobyerno kaugnay ng kaalaman sa transportasyon.

Si Mr. Lim ang nakababatang kapatid ng sikat na Pinay singer sa Japan na si Marlene dela Pena, kaya thankful ang senatoriable na kahit magkalayo sila ay tinutulungan pa rin siya ng kapatid sa pangangampanya thru social media.

Sa ginanap na media conference nito kamakailan sa The New Music Box, Timog, aminado si Mr. Ariel na malaking challenge ang pagtakbo niya bilang independent candidate, lalo na’t wala siyang masyadong makinarya. Pero nagpapasalamat naman si Mr. Lim na marami ang sumusuporta sa kanya tulad ng reigning Mrs. Universe Philippines Australia, mga samahan ng LGBTQ, Samahan ng mga tricycle drivers sa buong Pilipinas, Filipino Community sa Australia, at marami pang iba.

Maganda ang advocacy at mga plano ni Mr. Ariel kung papalarin sa senado, kabilang dito ang solusyonan ang mga problema sa batas trapiko.

Nang usisain kung sino ang gusto niyang gumanap bilang siya sakaling isasapelikula ang buhay niya, si Robin Padilla ang kanyang nabanggit.

Aniya, “Siguro si Robin Padilla ang gusto kong gumanap bilang ako kung saka-sakaling isasapelikula ang buhay ko. Actually napag-usapan na namin iyan ni Boss Vic del Rosario na isasapelikula ang buhay ko, hindi nga lang natuloy dahil nagkaroon ng pandemic.

“Pero kung papalarin akong manalo bilang senador, mas magandang matuloy yung movie, kasi mas nakaka-inspire na mula sa hirap at pagiging tricycle driver ay naging senador.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …