Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Adarna Gang

Coleen aminadong nahirapan sa monologue sa Adarna Gang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Coleen Garcia na isa sa pinakanahirapan siyang eksena sa Adarna Gang  ng Viva Films ang napakahaba niyang monologue na siya mismo ang gumawa.

Sa isinagawang advance screening ng Adarna Gang marami ang pumuri kay Coleen.

Usually when I work with actors hinahayaan ko muna, tinitingnan ko muna kung anong gagawin nila. 

“Ang comparison ko riyan is like painting, eh, it’s a blank canvass somebody has to put paint first and then we interact, so, ‘yun tinitingnan ko sa rehearsal, sa first take.

“Like ‘yung kay Coleen improvise pala ‘yung sa mirror lines niya, hindi nakita na-credit sa script. Improve niya ‘yun.  Nagulat siya noong ginawa namin.

Ang unang tinanong ko sa kanya is ‘aware ka ba sa politics na nangyayari sa atin ngayon tapos sabi niya hindi masyadong updated pero sinabi niya ‘yung stand niya.

“Tapos sabi ko magkakasundo tayo rito kasi ganito ‘yung idea ko that we use the father as the metaphor then nagbatuhan kami ng lines pero siya (Coleen) ‘yung nag-improvise ng lines,” natutuwang pagbabahagi ni DirekJon Red.

Natuwa naman si Coleen sa sinabi ni Direk Jon gayundin sa papuri ng mga kapwa niya aktor na sina  Ronnie Lazaro, Archie Adamos, at Shamaine Buencamino.

Samantala, nilinaw naman ni Coleen ang ukol sa pagpunta ni Billy Crawford sa France. Natanong kasi ang aktres kung doon na sila maninirahan.

Ani Coleen, “It depends…sa date kasi kung walang tatamaan, pero for sure sasama ako, depende kung sabay o susunod ako. For sure kung magtatagal siya roon kasama kami ng baby (Amari).

“Mayroon na siyang isang sure (show) na one month, kasama kami but we’re praying for other things as well by the end of the year at kung matuloy ‘yun may wedding din kasi ‘yung friend ko, so, baka sumunod na lang ako. 

Mapapanood na ang Adarna Gang sa Marso 11 sa Vivamax na pinagbibidahan din nina Diego Loyzaga, Rob Guinto, Kat Dovey, at Aivy Rodriguez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …