SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
AYAW man mag-elaborate ni Diego Loyzaga nang matanong ukol kay Barbie Imperial pinaunlakan pa rin nito ang ilang katanungan ukol sa dating karelasyon.
Sa face to face media conference ng Adarna Gang na isinagawa pagkatapos ng private screening, naurirat si Diego kung nagkabalikan na sila ni Barbie dahil kumalat nga sa mga social media na spotted sila sa isang restoran.
Tanong ng entertainment media kay Diego, nagkabalikan ba sila ni Barbie? Natatawang sagot nito, “I don’t wanna answer the question, we’re friends, we’re friends. No (hindi nagbalikan), Barbie and I we’re friends.
“We spent a very long time together, imposibleng hindi kami maging magkaibigan. The respect is there and the friendship is still there, so, why not keep that friendship,” sabi ni Diego.
May sumusog pang tanong kung may chance ba na magkasama silang muli ni Barbie at natatawa niya itong sinagot ng, “Stop, bro! Ha-hahaha! You gonna stop that. Ha-hahaha!”
Naniniwala ba siya sa “love is lovelier the second time around”?
“Ha-hahaha! Let’s not all be hopeless romantic guys. Let’s respect each other, love each other. Peace, truce, peace not war. You know I made peace with all my demons recently but most of them, I love the fact that Dad (Cesar Montano) and I are good now.
“Why I want enemies? Why I want burn bridges, so, if Barbie and I are good and that makes me happy that we are and I want to keep it that way,” giit ng aktor.
Samantala, ang Adarna Gang ay pinagbibidahan din nina Shamaine Buencamino, Archie Adamos, Coleen Garcia, Rob Guinto, Kat Dovey, Aivy Rodriguez, at Ronnie Lazaro. Idinirehe ito ni Jon Red at si Raymond Red ang director of photography. Mapapanood ito simula March 11.
Ang Adarna Gang ay Ibinase sa kuwento ng tatlong prinsipe na tumutugis sa isang ibong may tinig na nakapagpapagaling. Sa Adarna Gang sa halip na isang ibon at tatlong prinsipe, ipinakikilala rito ang isang dalaga at tatlong miyembro ng sindikato na nag-aagawan sa pagiging “hari”.
Sinabi ni Jon, 15 years in the making ang pagbuo ng pelikulang ito.