Monday , May 12 2025
gun ban

Huli sa Oplan Galugad
MANGINGISDA, ARESTADO SA GUN BAN

ISINELDA ang isang mangingisda matapos makuhaan ng improvised firearm (sumpak) ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Juancho Francisco, 49 anyos, residinte sa C4 Road, Brgy. Tañong.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Michael Oben at P/Cpl. Rocky Pagindas, dakong 4:50 pm, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3 sa pangunguna ni P/Lt. Roger Perez sa kahabaan ng Karisma Ville, Brgy. Panghulo.

Dito, napansin ng mga pulis ang nakausling sumpak na nakasukbit sa baywang ng suspek kaya sinita nila at nang hanapan ng kaukulang papeles ay walang naipakita.

Kaagad inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang isang sumpak na may isang bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to Omnibus Election Code. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Manny Pacquiao 2

Pacquiao suportado rollback sa presyo ng bigas at pagrepaso sa Rice Tariffication Law

NANAWAGAN si senatorial candidate Manny Pacquiao ng agarang pagbaba ng presyo ng bigas at masusing …

Lito Lapid

‘Supremo’ humataw sa final SWS senatorial survey

NAMAYAGPAG si Supremo Sen. Lito Lapid sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na …

Martin Romualdez

Speaker Romualdez muling tiniyak suporta ng 3M botante ng Eastern Visayas sa Alyansa senatorial slate ni PBBM

TACLOBAN CITY – Muling tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matatag na suporta …

Manny Pacquiao

‘Knockout jab’ pinakawalan ni Pacquiao vs mga kritiko

BOKSINGERONG Obsessed na Bigyang Oportunidad (B.O.B.O.) ang mahihirap.  Ito ‘knockout jab’ ni senatorial candidate Manny …

NP Grand Rally, dinagsa ng libo-libong tagasuporta ni Carlo Aguilar sa Las Piñas

NP Grand Rally, dinagsa ng libo-libong tagasuporta ni Carlo Aguilar sa Las Piñas

NAGPAKITA ng matinding suporta ang mga residente ng Las Piñas sa ginanap na Grand Rally …