Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robi Domingo
Robi Domingo

Robi Domingo sa mga Botante:
HUWAG MAGPAPABUDOL

PAGKATAPOS ni Angelica Panganiban, ang aktor na si Robi Domingo naman ang nagpayo sa mga botante na pumili ng tamang kandidato at huwag magpaloko sa mga mambubudol.

Nakipag-partner si Domingo sa Young Public Servants, isang grupo ng kabataan na nagsusulong ng good governance, sa paggawa ng video, tampok ang isang game show na may pamagat na “All or Nothing.”

Sa video, tinanong ni Domingo ang mga manoood ng tanong na may pagpipiliian: “Sa pagpili ng kandidato, ano ang gagawin mo?”

Matapos ibigay ang unang pagpipilian na “manghula” pinayohan ni Domingo ang mga botante ukol sa kanilang ihahalal sa darating na eleksiyon. “We can’t fall for and be with the wrong period,” wika niya.

Sa ikalawang pagpipilian na “phone a friend” pinag-iingat naman ni Domingo ang mga manonood na huwag maniwala sa fake news at mga tsismis.

Pagdating sa ikatlong pagpipilian na “survey says” sinabi ni Domingo, “hindi porke’t nangunguna ‘raw’ magaling na. Minsan magaling lang mambudol.”

Sa kanyang huling pagpipilian, sinabi ni Domingo na: “Piliin ang sigurado at may napatunayan na. May malinis na track record, palaging nandiyan, at hindi nagtatago.”

Pagkatapos, hinikayat ni Domingo ang mga botante na huwag maniwala sa Tik-Tok at pag-aralang maigi ang kanilang pipiliin, dahil nakadepende rito ang kanilang kinabukasan at ang kinabukasan ng bansa.

“Sa eleksiyon ngayong Mayo, hindi lang isang milyong piso ang nakataya rito. Future mo at ng buong Filipinas ang mababago,” ani Domingo.

“Kaya intindihin ang mga kailangan. I-eliminate mo na iyong mga obvious naman na mali at huwag maniniwala sa mga pangakong ginto,” dagdag niya.

Bilang huling payo niya, sinabi ni Domingo sa mga botante na piliin ang mga lider na may kakayahan at huwag iyong mga kilalang sinungaling at magnanakaw.

“Tandaan: huwag magpapabudol,” giit niya.

Reference: https://www.facebook.com/YoungPublicServants/videos/680459996327838

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …