Thursday , December 26 2024
Bida Kayo Kay Aga Muhlach

Aga bida ang mga ordinaryong tao; tumutulong noon at ngayon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LIKAS kay Aga Muhlach ang tumulong. Hindi man nababalita  ang mga ginagawa niyang pagtulong, marami na kaming kuwentong natatanggap ukol sa pagtulong ng aktor. Ayaw daw kasing ipinamamalita pa ni Aga ang ginagawang pagtulong. Kaya naman sa bago niyang programa sa Net 25, ang magazine show na Bida Kayo Kay Aga, ganoon na lamang ang kanyang katuwaan dahil hindi siya ang bida kundi ang mga taong natutulungan ng kanilang programa.

Bukod sa Bida Kayo Kay Aga, may isa pang show ang aktor sa Net 25, ang Tara  Game, Agad Agad! na  napapapanood tuwing Linggo, 7:00 p.m. na marami rin ang nasisiyahan dahil talaga namang malalaking papremyo rin ang ipinamamahagi. Ang Bida Kayo Kay Aga ay mapapanood naman simula March 12, Saturday, 7:00 p.m..

Aga Muhlach Tara Game, Agad Agad

Sa ginanap na virtual mediacon kaninang hapon para sa bagong show ni Aga, nasabi ng aktor at TV host na tinanggap niya ang show dahil hindi pa siya nakagagawa ng ganitong klase ng programa simula nang pasukin niya ang showbiz. 

Maging ang pagiging game show host ay hindi rin niya nagawa kaya bumuo ang Net 25 ng ganitong content para rin makatulong sa tao sa gitna ng pandemya.

Noong binata ako marami akong natulungan talaga hindi ko lang sinasabi ito, marami akong napasayang tao at hanggang ngayon kapag binabalik-balikan ko ‘yun mayroon akong mga pamilya na ang mga anak nila napagtapos ko ng pag-aaral, mayroon akong nabigyan ng shelter, nabigyan ng hanapbuhay.

“Ngayon lang napag-uusapan ‘to and up to now walang tatalo talaga sa ligaya ko kapag nakikita kong masaya sila, ‘yung pasasalamat sa akin na dahil hindi ko sila binigyan ng kung anuman, binigyan ko sila ng buhay. 

“Nabigyan ako ng pagkakataong tumulong sa kanila ng lubos-lubusan at hanggang ngayon hindi ko makalilimutan na iyon ang nagpabida sa akin sa sarili ko, sa puso ko na itong mga taong ito, eh.  In my own little way, I was able to save a lot of people through the years hanggang ngayon,” sambit pa ni Aga.

Si Aga ang magsisilbing host sa Bida Kayo Kay Aga at iinterbyuhin niya ‘yung mga gumagawa ng humanitarian acts. Hindi alam ng mga ito na si Aga pala ang kakausap sa kanila kaya naman madalas eh nagkakagulatan dahil hindi nila alam na isang Aga Muhlach ang makakausap nila.

“I’m happy with Net 25. As long as they like me. As long as ‘yung services ko is okey pa sa kanila,then  I will remain with them. That I can say,”  ani Aga sa isinagawang digital media conference.

Si Aga ang first choice ng Net 25 para sa programa. Ayon kay Caesar Ballejos, Director of Sales and Marketing ng Eagle Broadcasting Network“We wanted shows for Mr. Aga Muhlach that he has not done before yet like for example we came up with a game show because people wanted to see him smile.  Sabi nga makita lang ang dimples niya okay na ‘yan (dahil) na-miss siya ng mga tao.

“True enough, with the game show ‘Tara Game, Agad Agad’ was really a great feedback kahit po sa mga masa parang hindi lang sila natutuwa na nakatatanggap sila ng cash prizes but there’s Aga Muhlach giving a lot of information to people.”

Bukod sa first time ang ganitong klase ng show for Aga, may say din ang aktor sa mga programa niya na kaya niya tinanggap ay dahil gusto niyang gawin hindi dahil kinuha siya as host lang.

“Masaya ‘yung NET 25, I see this from the heart the environment inside of NET 25 kaya if NET 25 wants few good shows all smiling like na trabaho lang binabayaran lang kami ay hindi ganoon ‘yun. 

“Kung ano ang gusto mong gawin pero dapat masaya ang tao, huwag tayong bastos, huwag tayong ganito, huwag tayong ganyan. Sabi ko, ‘my goodness tamang-tamang venue talaga at sinasabi ko na gusto kong mag-reach out sa tao, sa masa, why?  

“Because ang masa napapabayaan ng buong Pilipinas na gusto nating puntahan hindi lang para bigyan natin ng pera kundi para bigyan ng pansin na, ‘mga Kapatid nandito kami para sa inyo. 

“Itong programang ito para sa inyo, gusto ko mag-enjoy kayo, masaya kayo sila ang mga contestant natin, nakakausap ko sila from security guard to kasambahay, mga market vendor marami pa ‘yan, iba-iba ‘yan then itong ‘Bida Kayo Kay Aga,’ again kung fish vendor ka, security guard, market vendor ka, bida ka sa akin.  

“Kayo ang bida rito, kami props lang kami rito, ang NET 25, me, the staff and the director, nandito kami na bumubuo ng programa para sa inyong lahat,” mahabang paliwanag ni Aga. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …