Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

4 ‘kaminero’ huli sa aktong nagtatapon ng basurang imported

INARESTO ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) ang apat katao matapos maaktohang ilegal na nagtatapon ng mga basurang galing sa ibang bansa sa gilid ng kalsada sa Vitas, Tondo, Maynila.

Kinilala ni MARPSTA chief, P/Major Randy Ludovice ang mga naarestong sina Dante Colarte, alyas Mikmik, 31 anyos, truck driver ng Naic, Cavite; Samson Dedal, alyas Me-Me, 32, aide ng Vitas Tondo, Maynila; Dominique Manawat, alyas Onak, 37, aide ng Quezon City, at John Michael Gomez, alyas JM, 30, safety officer ng Marikina City.

Lumabas sa imbestigasyon ni P/Cpl. Joseph Carlo Rolle, binabagtas ng isang team ng Northern NCR MARPSTA sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Oliver Tanseco ang Viva Road, Brgy. 101, Vitas, Tondo, Maynila sakay ng kanilang patrol vehicle dakong 8:30 pm nang nakita nila ang mga suspek, sakay ng isang puting Isuzu truck.

Pagsapit sa madilim na bahagi ng naturang lugar, isa-isang inihulog ng mga suspek sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar ang mga garbage bag na naglalaman ng mga basura dahilan upang arestohin sila ng mga pulis.

Ayon kay P/Major Ludovice, napag-alaman nilang ang mga kargang basura ng nasabing truck ay galing sa mga foreign vessel na nakadaong sa Pier South.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Northern NCR MARPSTA ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 48 para 1 of RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000). (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …