Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Arcilla 6th Film Ambassadors’ Night

John Arcilla kikilalanin ang galing sa 6th Film Ambassadors’ Night

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANG eksklusibong in-person event para sa 77 honorees sa Pebrero 27, 2022 ng FDCP  ay gaganapin sa ipinagmamalaking arkitektural at kultural na pamanang-bayan na Manila Metropolitan Theater.

Ihinayag na rin ng FDCP ang pangalan ng tatanggap ng mga espesyal na parangal-ang Camera Obscura Aetistic Excellence Award at Gabay ng Industriya Award-para sa ikaanim na Film Ambassadors’ Night.

Kay John Arcilla igagawad ang Camera Obscura Artistic Excellence Award na pinakamataas na pagpupugay sa mga film worker o proyekto na nagpamalas ng bukod-tanging husay at umani ng tagumpay sa labas ng bansa noong 2021. Igagawad din ito sa pelikulang On The Job: The Missing  8 (OTJ).

Ang Ilaw ng Industriya ay igagawad sa “priginal femme fatale of Philippine cinema” na si Ms. Rosa Rosal. Sa kanyang malawak na karanasan sa pagganap sa loob ng limang dekada, hanggang sa kanyang paggamit sa kanyang katanyagan para sa kapakinabangan ng nakararami, isang tunay na yaman ng bayan at isang film industry icon si Ms. Rosa.

Si Jesse Ejercito na isang matagumpay na prodyuser ang gagawaran ng parangal na Haligi ng Industriya bilang pagkilala sa kanyang mabungang film producing  career sa kadalubhasaan niya sa sining ng industriya ng pelikula.

Sa pakikipagtulungan sa NCCA (National Commission for Culture and the Arts), isang gabi ng virtual na pagtitipon ng mga film workers ang masasaksihan.

Ang listahan ng honorees ay magmumula sa A-List; A-List Citation; Short Films; Short Film Actors; Documentaries (TV, Short, Full-Length); Creative Awards; Actors, Directors; Feature Films; at Special Citation kay Vice Ganda para sa kanyang Everybody Sing!Sa ABS-CBN.

Para sila ay maging film ambassadors, ibig sabihin lang nito ay inirepresent at ipinromote nila ang ating mga pelikula sa sari-saring kinikilalang festivals sa lahat ng sulok ng mundo. 

There’s so much to be done,” wika ng walang kapagurang Chair. “Maraming mga bagay pa rin ang kailangang maisaayos lalo na pagdating sa funding  dahil sa global market na pinapasok na ng ating industriya.” 

Walang maisip ang press na maaarig pumalit sa puwesto ni Chair. Kahit pa may mga nagbiro na nga na siya ang sumuporta kung sakali sa partylist para sa press.

Kung may gusto pang masiguro ni Chair na mai-push para sa kapakanan ng mga nasa industriya ay ang Eddie Garcia Bill.

Kaninong kamay na nga lang ba ang kakailanganin? Sa Senado?

Manatiling nakatutok sa iba pang detalye sa kanilang social media page na https://www.facebook.com/FDCP.ph

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …