HATAWAN
ni Ed de Leon
TAMA si Kuya Kim (Kim Atienza) Pumapaltos siya minsan sa kanyang weather report, pero walang paltos ang kanyang sinabi na walang ibinubunga ang network wars kundi ang pag-aaway ng mga fan at tauhan ng mga network. Bakit nga ba kailangan nilang magsiraan at magbakbakan eh pareho naman sila ng trabaho? Ang mga artista laban sa kapwa artista. Ang mga director at writers laban sa kanilang mga katapat sa kabila. Kabilang na rin diyan ang mga press people at bloggers na pra lala ng magkalabang network. Hindi ba sila maaaring gumitna na lang?
Sabihin na lang ninyo kung ano ang magandang ginagawa ninyo. Huwag na ninyong awayin at sirain ang mga kalaban ninyo.