Sunday , December 22 2024

PBGen. Remus “The Gladiator” bagong lider ng QCPD

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

BAGO na ang Ama ng Quezon City Police District (QCPD). Ama? Yes, ang tinutukoy natin ay ang lider ng pulisya ngayon – ang District Director, gets n’yo? Ito ay sa katauhan ng magaling na Heneral na si Police Brigadier General Remus Balingasa Medina.

Nitong Sabado, 5 Pebrero 2022 nang umupo ang heneral sa trono ng QCPD sa kanyang kaharian sa QCPD Headquarters sa Camp Gen. Tomas B Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.

Pinalitan niya si Brig. Gen. Antonio Yarra na ngayon ay promoted bilang Regional Director ng Police Regional Office 4A (Calabarzon). Congratulations Gen. Yarra for a well-deserved promotion.

Sa kabila ng hindi pag-iimbita ng QCPD Public Information Office (PIO), sinaksihan pa rin natin ang Change of Command Ceremony pero sa gilid-gilid lang tayo baka tayo ay bibitbitin palabas ng kampo pero, hindi naman nangyari.Salamat naman.

Ang nakatutuwa, hindi nag-imbita ang PIO pero naghanda sila ng “media box” para sa mga magkokober. Hayun, dahil nga walang inimbitang mamamahayag para sa okasyon naging palamuti lang ang inilagay na media box.

Anyway okey lang iyon. No problem basta’t ang mahalaga ay nasaksihan natin ang pag-upo ng isang bagong magaling na lider ng QCPD. Malamang sa malamang na maiuuwi uli ng QCPD ang parangal na “Best Police District of the Year” dahil nga isang magaling na pinuno si Gen. Medina. Basta’t Remus, magaling, matapang at maabilidad na lider.

Yes, kita n’yo si “General Remus” ng Gladiator, isang magaling na lider ang heneral. Kita n’yo naman kung gaano pamunuan ni Gen. Remus kanyang ang mga sundalo sa gera maging sa loob ng arena bilang isang magaling, matalino, maabilidad, at matapang na gladiator.

Kaya tinitiyak natin na ganoon din si Gen. Remus Medina – bansagan na lang kaya natin siya ng “The Gladiator.”

Kaya, kayong mga kiriminal, lalo na kayong mga nagkakalat ng droga sa lungsod, humanda kayo dahil narito na ang tunay na Gen. Remus “The Gladiator” sa QCPD. Bilang na ang mga araw ninyo.

Kung kampanya lang naman laban sa droga ang pag-uusapan, aba’y hindi matatawaran ang mga trabaho ni “The Gladiator” nang pamunuan niya ang Philippine Drug Enforcement Group (PDEG). Itinalaga siya rito ni dating PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar dahil alam niya ang kakayahan ni Gen. Medina at hindi nga nabigo ang PNP kay Gen. Remus M. “The Gladiator.”

Ang turnover ceremonies ay dinaluhan ni P/MGen. Vicente Danao, Jr., Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), bilang Presiding Officer, habang si Quezon City Mayor Ma. Josefina “Joy” G. Belmonte ang Guest of Honor and Speaker pero hindi nakadalo at ang kanyang representante ay si Ginoong Alberto H. Kimpo, ang Assistant City Administrator for Operations.

Tulad nang naunang nabanggit si P/BGen. Medina ay hinugot sa PDEG na kanyang pinamunuan, at kabilang siya sa Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapaglunsad Class of 1993.

Si P/BGen. Medina ay naitalaga na rin sa iba’t ibang commands, kabilang rito ang pagiging Director ng PNP Drugs Enforcement Group; Senior Executive Assistant of the Office of the Chief PNP; Chief District Directorial Staff of Eastern Police District, NCRPO Chief of the Regional Intelligence Division, Police Regional Office (PRO) 2, at PRO 7; Chief of the Regional Comptrollership Division of PRO 7; Chief of the District Intelligence Division of EPD, NCRPO; Chief of the Logistics Management Division of Special Action Force, at iba pa.

Sa kanyang talumpati matapos tanggapin ang bagong hamon sa yugto ng kanyang career, sinabi ni P/BGen. Medina na kanyang ipagpatuloy ang mga sinimulang plano, kampanya, o programa ng QCPD para mapanatili ang magagandang accomplishment ng pulisya sa aspektong administratibo o operational.

“On this new and greater responsibility bestowed on me, I believe that continuity is a very important factor to sustain and maintain the momentum of our gains whether in the administrative or operational aspect of governance. I have therefore nothing else to commit but to continue the plans and programs of my predecessor and to help fulfill and achieve the genuine change for our constituents- especially the people of Quezon City.”

In like manner, along with our fight against illegal drugs and criminality, I will also continue to emphasize on reward and punishment system for our personnel and focus on imposing the kind of discipline that the public should want of their police by adopting internal and practical reforms for erring cops,” pahayag ni Gen Remus.

Iyan ang sinasabi ko, humanda kayong mga lumilinya sa ilegal na droga sa Quezon City tiyak na bilang na ang mga araw ninyo. Kaya kung ayaw niyong tumigil e mas mabuti pa ay lumayas na kayo sa Kyusi. Ibahin n’yo si “The Gladiator,” hindi niya kayo patatawarin – rehas na bakal ang bagsak ninyo. Tandaan, magagaling, maabilidad, matalino at matatapang ang mga “The Gladiator.”

Gen. Remus Medina .a.k.a. “The Gladiator”, welcome to QCPD. Tiyak na ipagmamalaki ka rin ng QCPD…

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …