NANAWAGAN si Deputy Speaker Bienvenido “Benny” Abante, Jr., sa mga senior citizen na agarang magpabakuna sa gitna ng pagkalat ng panibagong Omicron variant ng CoVid-19.
Ginawa ni Abante ang pahayag matapos siyang mag positibo sa CoVid-19 sa pangalawang pagkakataon.
Sinabi ni Abante na tinamaan siya kahit nakatapos na siya ng booster shot.
“This is the second time I have contracted CoVid. While at present I am only experiencing some body pain, I am currently being monitored by my doctors as a precautionary measure. Aside from being fully vaccinated, I have also received my booster shot––and it is clear, in my view, that the vaccines have helped me in these two bouts with the virus,” ani Abante.
“I enjoin everyone –– especially senior citizens like myself –– to get vaccinated and to get their booster shots, especially with the rising number of CoVid cases in the country. Several days ago, Sec. Carlito Galvez, Jr., revealed that an estimated 1.5 million senior citizens remain unvaccinated, a disturbing figure given how science and experience have already established how vulnerable this sector is to CoVid,” paliwanag niya.
Kaugnay nito nanawagan din si dating Senator JV Ejercito sa pamahalaan na hindi dapat maging hadlang sa pag-usbong ng ekonomiya ang pagsugpo sa Omicron variant.
Aniya, ang nakaraang pagsasara ng mga negosyo bilang tugon sa pagkalat ng CoVid-19 ay nakasama sa bansa.
“Hindi dapat maging hadlang sa pagbangon ng ekonomiya ang pag-contain ng Omicron variant. Marami nang trabaho at kabuhayan ang naapektohan at nawala dahil sa sunod-sunod na lockdown,” ayon kay Ejercito.
“Mahalaga ang strict enforcement ng mga protocol sa ilalim ng Alert Level system, kasama ang kooperasyon ng mga business establishment,” anang dating senador. (GERRY BALDO)