Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Muhlach

Andrew Muhlach from wholesome to sexy

HATAWAN
ni Ed de Leon

SI Andrew Muhlach magbo-bold na? Natatandaan pa namin iyang batang iyan na ipinapasyal noon ni Cheng Muhach sa Star City.

Kung sabihin noon ni Cheng, “hindi iyan magiging gaya ni Aga, pero hindi mo masasabi.” Sa mga salita niyang iyon alam namin sooner or later gagawin din niyang artista si Andrew.

Ang sumunod nga naming narinig, kasama na si Andrew sa remake ng Bagets sa telebisyon, pero hindi iyon nag-click talaga kaya nawala rin. Si Andrew naman nakasama sa iba’t ibang assignments bilang support. May confusion pa minsan dahil dalawa silang baguhang Muhlach, siya at si AJ.

Nagulat kami noong isang araw, sa virtual presscon niyong pelikulag Siklo, si Andrew ay gaganap na ng matured role. Congressman siya sa pelikula at inamin niya na may bed scene siya sa pelikulang iyon. Ang bilis ng talon ng career niya from a wholesome male star ngayon ay iba na ang character, my bed scene pa.

Pero ganoon talaga ang buhay ng isang artista. Kung ano ang role na dumating kailangang gawin mo. Hindi ka puwedeng artista kung mamimili ka pa ng role na gagawin mo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …