Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manigong Bagong Taon

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HAPPY New Year mga mahal namin walang sawang sumusuporta sa HATAW. Kumusta naman ang inyong pagsalubong sa bagong taon na 2022? Positibo ba ang inyong pagtanggap sa bagong taon na ipinagkaloob sa ating ng Panginoong Diyos?

Dapat lang po dahil isa na namang oportunidad ito para sa atin. Akalain ninyo, sa kabila ng ating pagkukulang sa Kanya, tayo ay pinagkalooban pa rin ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng pagkukulang natin sa Kanya – lalo ang sundin ang lahat ng Kanyang kautusan at plano na naaayon sa Kanyang kalooban at hindi naaayon sa ating kagustuhan.

Kumusta naman ang nagdaang taon ninyo? Paano mailarawan ang lahat? Umapaw ba ang pagpapala na dumating sa inyo, maging sa inyong pamilya?

Kung sa palagay ninyo ay hindi at sinasabing medyo malas o marami kayong kahilingan na hindi naibigay o pangarap na hindi natupad sa kabila ng inyong pagsisikap, marahil ikonsiderang tanungin ang inyong sarili.

Una’y paano ang inyong naging relasyon sa Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus? Ang lahat ba na nais mo ay inilapit mo sa Kanya?

Marahil ay oo, araw-araw mo ipinapanalangin pero walang kasagutan. Bakit kaya? Heto ang isa sa ikonsidera mo, ang kahilingan mo ba ay naaayon sa pangangailangan mo o kagustuhan? Tandaan po natin na malaki ang pagkakaiba ng kagustohan, sa naaayon sa pangangailangan.

Pero kung inyong iisipin, hindi ba mas marami pa rin tayong natatanggap na pagpapaala na naaayon sa ating pangangailangan, at naaayon din sa kaloobam ng Diyos kaysa ating kagustohan?

Katunayan, maging ang inyong lingkod ay may mga pinalangin na kailangan ko nitong nagdaan taon pero hindi ipinagkaloob. Bakit? Marahil inakala ko ay kailangan na pero hindi naman pala dahil mayroon palang mas higit na kailangan na Kanyang ipinagkaloob.

Higit, Siya ang nakaaalam sa pangangailangan natin kaya, walang medyo malas na taon o malas na taon.

O baka naman kaya nabigo tayo sa nais natin sa kabila ng pagsisikap dahil nagsasarili lang tayo – iyon bang, hindi natin ipinagkatiwala sa Kanya ang lahat – iyong masyado mong pinagkatiwalaan ang iyong sarili.

Ngayon panibagong taon na naman, tiyak marami na naman tayong kahaharapin na pagsubok at  marahil alam na natin ang nararapat gawin. Ang lahat ay isuko at ipagkatiwala sa Kanya.

Pero ang mahalaga muna ay kumustahin natin ang ating sarili – tanungin ang sarili: “Kamusta kaya ang personal relationship ko sa Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Anak, Kristo Hesus?” 

Heto ang Kanyang pangako sa Mateo 6:33 — “Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian at katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.”

Happy New Year!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …