Friday , November 15 2024

Baguio City, bukas na, maging ang mga ‘palaro’

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

BUHAY na buhay na naman ang Baguio City matapos buksan sa mga turista. Araw-araw ay libo-libo ang dumarating para magbakasyon. Sarap kasi ng klima ngayon sa lungsod. Brrrr, napakalamig. Hanggang Pebrero iyan.

Sa kabila ng maraming requirements para makapasok at makapagbakasyon sa kilalang “Summer Capital” ng bansa, hindi ito alintana ng mga gustong mag-aliw-aliw sa lungsod. No choice sila dahil kung hindi, hindi ka makapapasok sa Baguio City.

Sa muling pagkabuhay ng lungsod, buhay na buhay na naman ang ekonomiya rito – maraming nakabalik sa trabaho – mga pumapasok sa mga hotel at iba pa. Hindi lang mga hotel ang bumabawi kung hindi ang mga negosyante sa palengke – bilihan ng mga gulay, strawberry at iba’t ibang minatamis na produkto ng lungsod…at souvenirs.

Siyempre, buhay na buhay na rin ang Good Shepherd products – pinakamabentang produkto nila ay ang ube. Yummy…yes miss ko na rin ang Good Shepherd products. May kamahalan pero worth it naman.

Buhay na buhay na rin ang kilalang pasyalan sa lugar na makikita sa puso ng Baguio City, ang Burnham Park. Ano ba ang kilalang aktibidad sa Burnham Park? Ano pa nga ba, boating. Kaya kung hindi ka nakapag-boating sa Burnham para bang kulang ang inyong aktibidad na nagawa sa lungsod.

Ano pa ang kilalang buhay na buhay na negosyo ngayon doon? Siyempre ang kabayuhan sa Wright Park at kapag nasa Wright Park ka na, umakyat ka lang nang kaunti ay makikita mo na ang Mansion – ang bakasyonan ng Pangulo ng bansa kapag umaakyat sa Baguio…ops, kaunti pang lakad-lakad ( paakyat nga lang), mararating mo na rin ang Mines View – marahil one kilometer away lang.

Marami pang pasyalan sa Baguio, isa na nga rin dito ay ang kilalang strawberry farm sa La Trinidad, Benguet. Ang La Trinidad ay hindi sakop ng Baguio City ha. Ewan ko lang kung may mga bunga  ang mga strawberry ngayon dahil kamakailan ay sinalanta ito ng bagyo.

Kainan? Maraming kainan sa lungsod pero, huwag na huwag ninyong kalimutan kumain sa “GOOD TASTE.” Masarap ang luto rito. Masarap na, mura pa at marami servings nila. Malapit lang ito sa Burnham Park. Kaunting lakad lang po.

Sarap-buhay ng mga negosyante ngayon sa Baguio, at least makababawi na rin sila maging ang mga empleyado nila.

Pero sila lang ba ang buhay na buhay ngayon sa lungsod? No! Buhay na buhay na rin ang mga negosyong ilegal sa lungsod. Ganoon ba? E sino ang nagbigay basbas sa mga ilegalista para patakbuhin ang kanilang mga negosyo?

Anyway, kung gaano kabuhay na buhay ang mga legal na negosyo sa lungsod, buhay na buhay na rin dito ang mga palaro.  Palaro? Anong palaro? Oo, mga palaro na kilalang pinapatakbo ng mga gambling lord (GL), tulad ng ‘perya-gal’ na may drop ball games at mini casino.

Mga ilegal na sugal na pinatatakbo ng mga kilalang GL sa lungsod, tulad nina alyas Nestor; alyas Patrick; alyas Uldak, alyas Nilo, alyas Edna, alyas Jimmy at alyas Toyoy.

Mayor, Mayor Benjamin Magalong, bilang alkalde  batid ng marami na kayo ang nagbigay basbas sa mga negosyong legal na magbukas na para makabawi naman ang lungsod at mga legal na negosyante dito, lalo nang buksan ninyo ang lungsod sa mga turista. Mabuhay kayo Mayor…at least marami na’ng nakabalik sa trabaho.

Pero, ano itong impormasyon na buhay na buhay na rin ang mga pasugalan sa lungsod. Sino kaya ang nagbigay basbas sa mga kolokoy para patakbuhin ang mga mga ilegal na sugal? Ang Baguio City Police kaya? O ang ilang nakatatakas na opisyal ng Baguio City Hall?

Batid natin na galit si Magalong sa mga ilegalista pero, paano nakalusot sa kanya ang mga pasugalan?

Heto ang info Ginoong Mahal na Alkalde ng lungsod, sa Otek Street – baka 500 meters away lang sa City Hall ganoon din sa Baguio City Police Station, makikita ang sugalan dito na pinatatakbo nina alyas Uldak at alyas Nilo – ang mayroon dito ay drop ball habang sa Plaza naman, maluwag na nakapagpapatakbo ng drop ball si alyas Toyoy.

Si Nestor naman ay bumalik na sa paborito niyang puwesto – sa Kayang St. – drop ball din ang palaro rito ng mama. Ops teka, hindi ba may police outpost diyan sa Kayang St.? Paano ito nakalulusot? Alam na dis.

Wait for there is more, talamak din ang drop ball nina alyas Edna at alyas Jimmy sa Magsaysay Avenue – ilang hakbang lang ang layo nito sa isa pang police outpost ng BCPS sa lugar. Wow! Wala ngang basbas mula sa BCPS. Oo, wala ngang basbas!

At ang huli, magpapatalo pa ba si alyas Patrick. Hindi! Hayun, buhay na buhay na naman ang mini casino ‘montehan’ na pinatatakbo ng mama sa Legarda Road. Tsk…tsk…lapit lang din ang City Hall dito at BCPS ha! Wala pang isang kilometro yata. Wala ngang basbas mula sa mga kinaukulan ng lungsod. Wala nga talagang basbas.

Ano pa man, kung buhay na buhay na ang turismo sa Baguio City, buhay na buhay na rin pala ang mga pasugalan sa lungsod.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …