Saturday , December 21 2024

Kapaskuhan ng BJMP, PDLs, magiging masaya

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

TIYAK na magiging masaya ang Pasko ng persons deprived of liberty (PDLs) o ang mga nakapiit sa mga kulungan na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).  Bakit naman? E ‘di ba, pangsamantalang ipinagbabawal ang dalaw dahil sa CoVid-19?

Tama, ipinagbabawal (muna) para maiwasan ang maaaring puwedeng mangyari sa mga piitan – ang pagkalat ng nakamamatay na virus. Siyempre, tiis-tiis muna ang mga PDL maging ang kanilang mga mahal na buhay na noong pa’y gusto nang dumalaw.

Pero may good news ang BJMP sa ating PDLs at sa kanilang mga mahal sa buhay dahil magiging masaya na nga ang kanilang Kapaskuhan para sa taong ito… ‘wag lang sana sumingit si omicron.

Magpapatupad ang BJMP ngayong Kapaskuhan ng “no contact visitations.”  Ayos ha, no contact man, at least makakasama na ng mga PDL ang kanilang pamilya. Bakit kaya magpapatupaad ang BJMP nito? Safe na ba ang mga kulungan? Maaari dahil kung hindi ay manananatiling malungkot ang Kapaskuhan ng PDLs.

Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Insp. Xavier Solda, pinaghahandaan na nila ngayon ang granular opening ng muling pagpapatupad ng ‘no contact visitations’ sa PDLs.

Meaning puwedeng-puwede nang tumanggap ng dalaw ang PDLs. Iyon nga lang, baka hindi sa lahat ng piitan ipatutupad ito. Oo, ipatutupad lang ito sa mga piitan na nasa lugar na low-risk areas ngunit sa ilalim pa rin ng ilang mga kondisyon.

Kondisyon? Oo naman, kinakailangan pa rin na estritong ipatupad ang health protocols.

        “Ibig po sabihin niyan, ‘yung mga pasilidad natin na nasa low risk areas at may pasilidad na or area na for non-contact visitation, ay papayagan nang magkaroon ng dalaw kaya lamang po may ibang kondisyon,” paiwanag ni Solda.

Sa mga dadalaw, kinakailangan magdala sila ng balidong government-issued IDs, gayondin ng vaccination cards bilang pruweba na sila ay fully-vaccinated na laban sa CoVid-19.

Kailangan rin maghintay ng visiting schedule upang maiwasan ang mahabang pila at upang matiyak na magkakaroon ng crowd control.

Heto ang ilan kondisyon… “bale ngayong resumption ng granular opening of non-contact visitation, ang magiging sistema natin sa jail ay isang pamilya lamang ang papayagan sa mga dadalaw. Bawal muna ang mga bata at hanggang isang oras lamang po ang papayagan na oras ng dalaw,”

Malinaw ba mga kapamilya? Bawal muna ang mga bata, so si mama lang muna ha. Kawawang tatay na dadalawin sa piitan kasi, no contact visitation muna…so, walang loving-loving muna. Hahahaha. Anyway, ang mahalaga ay magiging masaya ang Pasko ng PDLs. 

Ayon kay Solda, magsasagawa rin ang BJMP ng orientation bago ang pagbisita upang paalalahanan ang mga pamilya hinggil sa mga maaari at hindi maaaring gawin sa kanilang pagbisita.

Sinabi ni Solda, ang mga itinalagang BJMP facilities ay maglalagay ng physical barriers bilang precautionary measure laban sa CoVid-19, para sa PDLs at kanilang mga kapamilya na bibisita sa kanila.

Tanging pag-uusap at pagkikita lamang ang maaaring gawin nito. O, wala talaga munang check-in ha. Mahaba-habang diyeta na ba tatay? Hahahaha.

Sinabi rin ni Solda, wala pang eksaktong petsa kung kailan nila ipatutupad ang ‘no contact visitation’ ngunit may ilang BJMP facilities na sa Cebu, Cordillera, at Metro Manila ang nagsimula ng pilot run para rito at naghihintay na lamang ng direktiba mula sa kani-kanilang regional directors.

Samantala, ang mga pasilidad na walang sapat na lugar para mag- accommodate ng mga naturang polisiya ay kailangan mag-electronic visitation na lamang o yaong E-Dalaw service ng BJMP.

Ang E-dalaw ay isang development program na inilunsad ng BJMP matapos silang magdeklara ng lockdowns sa kanilang mga bilangguan at sinuspende ang contact visitation simula noong Marso 2020 dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Anang BJMP, ngayong taon, mahigit 100,000 inmates ang nakakontak sa kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng naturang programa.

Pero sana all na piitan ang may sapat na pasilidad para lahat ay magiging masaya. Iba pa rin kasi ang face- to-face kahit na wala munang contact. Malay n’yo baka gagawan pa rin ito ng remedyo ng mga piitan na kulang sa pasilidad. Mayroon pa naman 17 araw e.

Yes, maaari iyan dahil mayroon pang isang good news si Solda. Ano iyon? Magpapadala ba siya ng pang-raffle sa Quezon City Police District (QCPD) Press Corps sa gagawing simpleng Christmas gathering (with limited attendance? Merry Christmas Major este Ninong! Matik na iyan kay Maj.Solda.

E ano iyong isa pang magandang balita? Bokya na ang mga piitan ng BJMP sa buong bansa sa CoVid-19. Good news nga iyan. Masayang pamasko ito ha. Salamat Lord. Ibig sabihin ay wala nang kaso ng CoVid-19 – sa buong bansa iyan ha. Galing naman ng BJMP.

So may pag-asa na ang mga sinasabing kulang sa pasilidad na magpapatupad ng “no contact visitation” dahil zero COVID na ang lahat ng piitan ng BJMP. Puwede.

Bagamat, congratulations BJMP…kasi, ang zero CoVid ay resulta ng inyong pagsisikap na maging ligtas ang mga piitan. Pero ingat-ingat pa rin ha para hindi tayo malusutan.

O paano mga PDL, pasalamat po kayo sa pamunuan ng BJMP, ginawa nila ang lahat para sa inyo…at siyempre, ang lahat at dahil din sa inyong partisipasyon.

Merry talaga ang Christmas ninyo ngayon diyan mga PDL.

Major Solda, ang galing-galing naman ng BJMP. Saludo kami sa inyo. Sir, joke lang iyon para sa raffle ha…pero kung kakagatin mo ang biro ko. Ayos na ayos naman. Maligayang Pasko po Ninong Xavier.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …