Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALK
ni Pilar Mateo

 “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang nasabi ng panganay na anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na ngayon eh, tatay na ni Leia na si Paolo sa dinaanan sa panahon ng pandemya o CoVid.

“Two times na-lockdown. And struggle talaga especially for people in the industry. Ngayon medyo happy na because there seems ro be the light at the end of the tunnel. Nitong pandemic, wala kaming pera. Ang plano sana namin ni Sam in 2020 was to have another Vee (Valenciano). Eh, pandemic came nga. We weren’t even sure if we’re gonna live!

“This year naman, 2021, sabi namin look, we’re not getting any younger. We have to take a risk. Natawa nga ako when someone gave me a beer mug. Ang nakalagay, ‘Keep Calm and Let’s Make A Baby.’ We’re trying naman na. Kung twins? Wow! It runs in Sam’s family. Tito Martin (Nievera) has a twin sister, Tita Vicki.”

Sa podcast in New York, sa Over a Glass or Two (OAGOT) hosted by Jessy Daing and Jcas, aliw na aliw ang mga kausap sa kuwento ni Pao sa lovestory nila ni Sam Godinez.

Kasi, para malaman nila how it is to live with another human being, aso ang pinag-practice-an nila which they came to love na naging close pa sa pagsilang ng kanilang anak na si Leia.

Nakaisip ding mag-vlog ang mag-asawa kasama ang anak at ang aso and they called their show, The Other Vees.

The Other Vee na sumalang din sa interview sa OAGOT ay ang sumunod kay Paolo na si Gabriel o Gab Valenciano.

Affected much din ito ng pandemya.

Hindi pa lumalagay sa tahimik si Gab pero gustong-gusto na nitong magka-baby.

Lukang-luka ang nanay nitong si Angeli sa interview na no holds barred kay Gab, nang sabihin nito na, “We’re (he and his girlfriend) practicing na. I just want to grow with him playing basketball and many other stuff.”

Na para bang sure na siya na lalaki ang magiging anak in the future.

Ang komikero sa pamilya also said, “We have plans to go back to the US to live there. I believe, that’s where my heart is. At an older age, you would be more of a mature, pruned and ready Dad.”

Sa mga hindi nakaaalam, in 2014, nag-choreograph si Gab for Beyonce na ginanap sa West Coast Theater. Ito ‘yung 7-11. At nakakuha pa nga ng nomination si Gab for that as Best Choreographer.

Hindi naman pisikal na nagkatrabaho sina Gab at Beyonce pero ang moves and grooves niya ang ginamit ng sikat na artista sa kanyang shows. Nasa ‘Pinas si Gab. Nasa US si Beyonce. Hindi naikuwento dahil they wanted to keep private about it.

Naikuwento rin ni Gab kung bakit, hindi niya na sinundan ang yapak ng ama to be a singer. Na rito lang niya sa OAGOT naibulalas.

When he was in the elementary grades pa lang, he was asked na to sing. Sa class. He missed a tune. Ayun, na-trauma ang bagets. Na ni hindi na niya ibinahagi sa pamilya.

Kaya gulat sina GV at Angeli. And GV kept on saying sorry to his second-born.

Kaya nga siguro, ang pagsasayaw ang pinag-igihan ni Gab na roon siya mas nag-shine.

The other Vees are making their presence felt. Si Paolo sa directing. Gab in choreographing. Yes, keri pa rin naman nila makipagsabayan with the GV sa kantahan. But…

But give it na lang daw, ang singing  to another Vee, si Keana. Who’s in the US now. Finding her place in the sun. In New York, the place to VEE!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …