Friday , April 25 2025
Miguel Leon Tyson Mike Tyson

Anak ni Iron Mike gustong lumaban sa England

IPINAKITA ni Miguel Leon Tyson, anak ng pamosong dating heavyweight champion Iron Mike Tyson, ang kanyang mala-tigreng kasanayan  nang sumabak ito sa matinding ensayo sa pads kasama ang kanyang ama.

Ang galaw na iyon ng anak ay orihinal na naging tatak ng ama nang namamayagpag pa ito sa heavyweight division  na naging sandata nito sa pagdemolis sa mga bigating katunggali.

Naging pamoso sa panahon ni Iron Mike ang istilo niyang peek-a-boo na naging isang malaking problema sa kanyang naging mga nakatunggali sa ring.

At ngayon nga,  ipinakita niya na ang boxing skills ng anak ay hindi nalalayo sa kanyang kalidad.

Nag-upload ng video ang tinaguriang Baddest Man on the Planet sa Instagram habang nagpapakalawal ng mga matitinding kombinasyon ng kaliwa at kanan si Miguel  na hinangaan ng mga nakapapanood.

Sa nasabing video ay nagawang makapagpukol ito ng matinding uppercuts habang ang boxing legend ay umaatras tangan ang mga pads.  Naipakita ni Miguel ang bilis ng kanyang mga footwork sa pagpasok niya sa loob at paglabas habang bumabanat ng suntok.

Biro ng tsuper ni Mike Tyson, na kailangang magkaroon pre-fight sex muna si Miguel para mapabagal nang sa ganun ay hindi niya agad mapatay ang kalaban sa unang salang sa ring.

“Not quite the uppercut like his dad yet, can’t see it being long [though] until his dad gives him the masterclass,” sabi ng isang  fan.

May isa pang nag-post sa social media: “He hasn’t been doing this for years? That’s crazy. Decent head movement, footwork and technique.”

Ayon naman sa ikatlong netizen: “I hope for Mike Tyson so much that his son will be a great fighter like him. His moving [sic] is [exactly] like his father.”

“All I can say is I wish Mike Tyson was still in boxing either as a manager or promoter. I wouldn’t bet against his son if Tyson was seriously training him either,”  ayon naman sa ikaapat na nag-post ng comment.

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …