Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa kabila ng pinagdaanan n’yang masalimuot at kontrobersiya sa pakikipaghiwalay kay Aljur Abrenica. Paghihiwalay na umabot sa pagbibintangan kung sino ang unang nagtaksil.

Sumulat si Kylie ng mahabang berso (tula na prosa ang dating dahil sa malayang taludturan nito) bilang pagbati sa ika-52 kaarawan ng butihin n’yang amang si Robin Padilla noong November 23.

Tuloy-tuloy ang tula. Hindi hinati-hati sa stanza (taludtod). Makinis ang daloy. Pero kung susuriin ang mga linya, may dibisyon ang tula sa mga tinatalakay nito. Binabakas sa mga linya ang pag-usad ng mga taon sa relasyon ng mag-ama at ang epekto kay Kylie ng bawat yugto ng relasyon nilang mag-ama.

Pati ang sakit ng pakikipaghiwalay ni Kylie kay Aljur, ang pagpapakatatag n’ya, ang pagbuo n’ya muli ng tiwala sa sarili ay nakahulma sa mga linya ng berso sa bandang dulo.

Nagsisimula ang berso ng anak sa pagpapahayag ng paghanga at pagdakila sa kanyang ama.

Namnamin natin ang berso ni Kylie:

“Writing about you, I would have to do with the most expensive kind of ink

“Irreplaceable, you knew me when I could not yet even think

“And you taught me to give life’s battle a good effing fight

“And I fight with all the strength I have

“I know you in ways even I don’t understand, yet

“It’s in the way we go quiet when we are sad, it’s loud

“It’s in the way that we don’t speak, but we feel it

“And the way I try to find you in people that I seek

“It’s how I find comfort in just one touch

“In an embrace I waited so long to grasp

“For a moment I felt like I lost something

“A something, a thing that only you could bring and it would be enough”

“Wounds have their own way of healing

“And time is where it finds it’s truest meaning

“In all the things I cannot say

“All the games I no longer want to play

“It’s the return to a girl I needed to face

“I don’t want any precious memories to go to waste

“So with this ink, I rewrite the story

“One where I am thankful and I am sorry

“I think it’s what you call maturity

“Or maybe only now I understand how your prayers protected me

“Love is a beautiful thing once it sets you free.”

Makalipas ang halos dalawang oras, sumagot naman si Robin sa mensahe sa kanya ng anak.

Maiksi ngunit may sundot sa pusong sabi ni Robin: “Anak ko [heart, loudly crying emojis] What a beautiful gift of happiness.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …