AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
SA DARATING na Sabado, Nobyembre 13, 2021, matatapos ang 30 taong pagbibigay serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar sa bayan, nakatakda na siyang magretiro sa serbisyo… ops serbisyo?
No, sa pagiging pulis lang pero sa serbisyo para sa bayan ay maaaring ipagpatuloy pa rin ito ng heneral. Malay ninyo baka, isang araw ay isa na siyang mambabatas.
Pero sa tipo ng pagkatao ni Gen. Eleazar, kahit wala na siya sa pulisya o kahit wala siyang pinanghahawakang posisyon sa gobyerno, naniniwala tayong ipagpapatuloy pa rin niya ang pagbibigay ng serbisyo sa bayan o sa mga nangangailangan. Ganyan ang pusong mayroon ang pambansang heneral.
Sandali ko lang nakikilala si Gen. Eleazar, noong naupo siyang District Director ng Quezon City Police District (QCPD). Ibang klaseng magtrabaho ang heneral… all the way siya. Hindi matatawaran ang kanyang kampanya laban sa kriminalidad at paglilinis sa QCPD noong “internal cleansing.” Marami siyang pulis na sinmapahan ng kaso at sinibak sa posisyon makaraang mapatunayang sangkot sa katarantaduhan o tamad magtrabaho.
Makaraan, ang kanyang kampanya sa “internal cleansing” dinala sa Police Regional Office 4A nang maging Director siya rito… marami rin siyang mga pulis na kinastigo at siyempre, hindi mabilang na magagandang accomplishments sa region.
Pero ang nakatutuwa kay Eleazar sa malalaki at matagumpay na trabaho ng pulisya, hindi niya inaagaw ang kredito at sa halip kinikilala niya ang mga pulis na nasa likod ng matatagumpay na trabaho. Pinaparangalan at inirerekomenda para sa promotion kung kinakailangan.
Lamang, ang hindi maiwasan sa internal cleansing ni Eleazar ay…nagalit ang ilang pulis sa kanya. Kungsabagay, ang mga tiwali lang naman ang nagagalit pero ang nakararami ay pabor lalo ang bayan kaya mahal ng bayan si Eleazar.
Puwede na sa Senador iyan…hehehe. Habol sir, baka mayroong gustong magpa-substitute. .
Sabi nga ng Heneral sa feature story sa kanya ng isang magazine “League”… “I am hoping that the experiences I have shared in the feature story will inspire the next generation of leaders, not only in the PNP, but in other agencies as well, to always think first of the welfare of our kababayans. Sana ay makakuha sila ng inspirasyon mula sa aking mga pinagdaanan upang maging tapat sila sa kanilang sinumpaang tungkulin.”
At heto na nga, dumating na ang takdang panahon, masakit man sa kalooban ni Eleazar, kinakailangan na niyang magretiro sa pulisya. Yes, 30 years ka ba naman sa serbisyo, naturalmente, masakit sa kalooban mong iwanan ang minahal mong trabaho lalo ang pagsisilbi sa bayan.
Sa Nobyembre 13, 2021, happy birthday muna sa iyo Sir… nakatakda na ngang magretiro — mandatory retirement — pagdating ng edad 56 anyos. Sayang sir, bagamat nabigyan ng pagkakataon si Eleazar na maging PNP Chief sa loob ng anim na buwan.
Sa loob ng anim na buwan, nasaksihan natin na walang sinayang na oras si Eleazar sa pagsisilbi sa bayan. Maraming Salamat sir PNP Chief.
Bago itinalagang bilang Chief PNP nitong Mayo, siya ang unang commander ng Joint Task Force COVID Shield, ang kilalang law enforcement and public safety arm ng Inter-Agency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa kalagitnaan ng CoVid-19 pandemic.
Kanyang pinangunahan ang Administrative Support para sa CoVid-19 Operations Task Force (ASCOTF), ang layunin ay makipag-ugnayan sa lahat ng PNP administrative actions bilang suporta sa police operational response sa panahon ng CoVid-19.
Si P/Gen. Eleazar ay naging director din ng CALABARZON police at National Capital Region Police Office habang noong 2016 siya ang commander ng Quezon City Police District (QCPD) kung saan siya nahasa nang husto sa walang humpay niyang kampanya laban sa kriminalidad lalo sa gera laban sa illegal drugs ….at siyempre, makalilimutan ba ang kanyang kampanya laban sa mga tiwaling pulis.
Naging hepe rin siya ng pulisya sa San Pedro, Laguna; provincial officer ng Criminal Investigation and Detection Group sa Batangas at Laguna; chief investigator ng Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER); at regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) offices sa Central Luzon at Central Visayas.
Bukod dito, si Gen Eleazar ay humawak din ng administrative positions sa Directorate for Logistics and Directorate for Comptrollership. Pinangunahan din niya ang PNP Anti-Cybercrime Group’s campaign against online sexual exploitation of children and internet-based fraud.
Sa iyo PNP Chief, Gen. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar, maraming salamat po sa 30 taon ninyong paglilingkod sa bayan…Salamat sa Diyos.
Sana ay maging Senador ka ng bayan… at ‘di kalaunan ay puwedeng presidente ng Filipinas. Let us just pray for God’s guidance.