Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iniwan ng live-in partner
KELOT NAGLASLAS NG LEEG KRITIKAL

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang lalaki matapos magtangkang magpa­kamatay sa pamama­gitan ng paglalaslas ng leeg dahil sa depresyon makaraang iwan ng kanyang live-in partner sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inoobser­bahan sa Tondo Medical Center (TMC)  ang biktimang  kinilalang si Relix Charlie Lita, 36 anyos, residente sa Bernales III St., Brgy. Baritan sanhi ng laslas sa lalamunan.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dakong 2:00 am nang madis­kubre ng kanyang pinsan na si Kimple Villegas, 32 anyos, na naliligo sa sariling dugo ang biktima sa kuwarto ng kanilang bahay.

Agad humingi ng tulong sa mga barangay tanod at pulisya si Villegas.

Nang malaman ang insidente, inatasan ni Sub-Station-7 chief P/Maj. Patrick Alvarado ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Cpl. Vicente Evangelista at P/Cpl. Karen Borromeo na pumunta sa naturang lugar.

Matapos malaman na buhay pa ang biktima, agad humingi ng tulong ang pulisya sa Malabon Rescue Team na mabilis isinugod si Relix sa Tondo Medical Center kung saan patuloy na inoobser­bahan sanhi ng laslas sa kanyang leeg.

Sa pahayag sa pulisya ng ina ng biktima na si Regina Lita, 54 anyos, duma­ranas ng depresyon ang kanyang anak matapos siyang iwanan ng live-in partner kasama ang tatlong-buwan gulang nilang anak na lalaki.

Dagdag niya, dala­wang beses nagtang­kang magpakamatay ang kanyang anak noong nakalipas na mga taon ngunit napigilan ng kanyang mga pinsan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …