Friday , November 15 2024

Lockdown Christmas, posibleng mangyari

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

POSIBLE nga ba ang lockdown Christmas celebration? Teka, ilang araw na lang ba para Pasko na?

Sinasabi ng Palasyo, maaaring magiging merrier ang selabrasyon ng Pasko para sa taong ito. Bakit? Malaki at patuloy na bumababa raw kasi ang bilang ng mga nahahawaan ng CoVid-19.

Ang pagbaba ng bilang ay dahil daw sa marami-rami na ang nabakunahan partikular sa Metro Manila. So, ang National Capital Region (NCR) lang marahil ang may merrier Christmas at hindi ang buong bansa. Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na kulang-kulang pa rin ang naipadalang vaccine sa mga probinsiya.

Pero hindi kaya magiging taliwas ang lahat – ang prediksiyon ng palasyo? Sorry to tell this, ha. Wala naman problema sa ginawang pagbaba ng level 3 sa Metro Manila. Hindi naman siguro ibababa ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) o Department of Health (DOH) kung wala silang pinagbasehan.

Obviously na ang pinagbasehan ay ang malaking pagbaba ng nahahawaan ng virus bukod sa malaking bilang ng mga nakarekober dahil nga bakunado na ang ilan sa mga nahawaan at gumaling.

Ano pa man, nasa level 3 na ang NCR – hayun dahil medyo ipinairal na ang kaluwagan. Medyo lang ba ang kaluwagan o todo-todo na. Hayun, parang mga nakalabas  sa kural ang karamihan.

Kumpol-kumpol ang mga kababayan natin sa mga pasyalan sa Metro Manila. Walang pakialam sa ipinaiiral na health protocols. Oo kinalimutan nilang mayroon pang CoVid-19.

Isa nga rito ang ginawang pagbubukas sa “dolomite beach” o “fake white beach” sa Manila Bay. Naku po! Napanood ko ang nag-viral na video (kuha ng isang concerned citizen). Live pa nga niyang ipinalabas sa kanyang FB account.

Nanay ko po! Nagsiksikan ang mga kababayan natin sa lugar. Hindi na pinairal ang health protocols sa lugar. Oo nga’t naka-facemask ang mga nasa beach (daw) pero, paano makatitiyak na safe sa virus ang mga nagpuntahan doon?

Mayroon ngang nagbabantay pero anong klaseng pagbabantay ang kanilang ginawa? Wala! Walang kuwenta. Iniaanunsiyo at ipinaaalala lang ang health protocols. Pero kung titingnan, ang lahat na nasa lugar ay lumabag sa health protocols partikular na sa social distancing. Nasaan ang ipinaiiral na batas o city ordinance laban sa mga violators?

Ang dapat, pinaghuhuli ang lahat ng nasa beach – tiniketan, at pinagmulta dahil sa paglabag sa health protocols. Ang linaw-linaw sa kuha ng video na ang lahat ay lumabag sa batas.

Pero ano pa man, hindi ang paglabag nila sa batas ang pinakapunto natin dito kung hindi, sana bago ibinaba ang alert level 3 sa NCR ay dapat tiniyak muna ang lahat ng DOH o IATF. Tiyakin na kayang ipatulad ang sinasabing limitasyon ng paggalaw sa ilalim ng level 3.

Sa mga nakitang ebidensiya o nag-viral na video, makikitang hindi kayang ipairal ng IATF ang kanilang sinasabing limitasyon. Malamang sa mga susunod na linggo ay posibleng manumbalik ang NCR sa alert level 4.

Hindi lamang sa dolomite beach nagkumpulan ang mga kababayan natin na matitigas ang ulo kung hindi maging sa ilang jogging area o pasyalan.

Kaya dahil sa sobrang kaluwagan sa level 3, malamang sa malamang na hindi mangyayari ang prediksiyon ng Palasyo. Kung hindi nila kayang kontrolin o baguhin ang ilang kalakaran sa level 3, tiyak na hindi magiging merrier ang Pasko ng marami kung hindi sa ospital sila magpa-Pasko or ang lahat ay ‘nakakulong’ uli sa kanya-kanyang bahay.

Kapag magpatuloy ang sobrang kaluwagan, posibleng lockdown Christmas celebration ang mangyayari – ito ay dahil sa katigasan ng ulo ng marami nating kababayan. Ang nakalulungkot pa nga rito, ang mga magulang pa ang nangunguna sa paglabag sa health protocols.

Kaya, dapat amyendahan ng DOH o IATF ang kalakaran ng level 3. Huwag munang palabasin ang mga 18 years old below o ipatupad ang panghuhuli sa mga lumabag.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …