Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Hindi pagtakbo ni Grace sa 2022

SIPAT
ni Mat Vicencio

BUWAN pa lamang ng Hunyo, nagdeklara na si Senator Grace Poe na hindi siya tatakbo bilang pangulo, at sa halip ay pagtutuuan ng pansin ang pagtulong sa mga kababayang naghihirap dahil sa pananalasa ng pandemya.

“Nagpapasalamat tayo sa patuloy na pagtitiwala ng ating mga kababayan. Ngunit wala akong planong tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na eleksiyon,” pahayag ni Grace matapos ang nominasyong ginawa ng opposition coalition 1Sambayan.

“Sa abot ng aking makakaya bilang senador, nais kong pagtuunan ng atensiyon ang pag-ahon ng ating mga kababayan mula sa pandemyang ito,” dagdag ni Grace.

Marami ang nabigla, marami ang nalungkot. Hindi inaasahan ng mga supporters ni Grace lalo na ang mga tagahanga ni Fernando Poe, Jr., na aatras sa laban ang kanilang pambatong senadora.

Pero inilinaw ni Grace ang desisyon ay dahil na rin sa hindi paborableng sitwasyon ng politika at malamang na mag-aksaya lamang siya ng panahon dahil sa rami ng nag-aambisyong maging pangulo.

Sabi pa ni Grace, “Sana kung one-on-one ang laban maaari akong sumabak. Pero magulo ngayon at magandang panoorin na lang muna natin ang mga kandidatong naglalabo-labo sa pagkapangulo!”

Pero hindi nawalan ng pag-asa ang mga nagmamahal kay Grace.  Nasilip nilang maaari namang tumakbo sa pagkabise-presidente si Grace at maging katuwang ni Manila Mayor Isko Moreno.

At unti-unti ngang gumulong ang panawagang tumakbo si Grace bilang vice president ni Isko na kaagad namang mabilis na pumutok sa mainstream at social media.  At lalong marami ang nagulat nang kumalat ang mga tarpaulin at sticker sa Kamaynilaan na nanawagang tumakbo si Grace sa pagka-bise presidente.

Pero mukhang hindi pa rin ito nangyari.  Matapos ang filing ng COC, nanatiling tahimik si Grace at ang inaasahang pagtakbo bilang bise presidente ay hindi nangyari at sa halip si Doc Willie Ong ang idineklarang bise ni Isko.

Sa pakikipag-usap ko kay Grace, sinabi niyang hindi niya maaring banggain si Senate President Tito Sotto. Malaki ang utang na loob ng kanilang pamilya kay Sotto dahil na rin sa tulong na ginawa kay FPJ noong 2004 nang tumakbo ito bilang pangulo.

Dagdag ni Grace, malaking bagay din si Helen Gamboa, ang maybahay ni Tito, dahil malapit na kaibigan ng kanyang inang si Susan Roces, kaya nagpasya siyang hindi na kumandidatong pangalawang pangulo.

“Si mama, nakiusap din na ‘wag kaming magkalaban ni Tito dahil nga sa tagal na pinagsamahan nila ni Helen,” kuwento pa ni Grace sa inyong lingkod.

Malungkot talaga dahil hindi na nga tatakbo si Grace sa darating na eleksiyon. Hindi natin alam kung meron pang makapagpapabago ng kanyang isipan, at maraming umaasa kung meron mangyayari sa darating na Nobyembre 15, ang petsa na itinakda para sa tinatawag na substitution ng mga kandidato. Abangan!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …