Saturday , November 16 2024
knife saksak

Janitor pinagsasaksak ng helper

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang janitor matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center  (TMC) ang biktimang kinilalang  si Gomer Damot, 32 anyos, residente sa Espiritu St., Brgy. Tinajeros sanhi ng mga saksak sa katawan.

Patuloy na pinaghahanap  ang suspek na kinilalang si Jay-ar Ladia, 26 anyos, kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief, Col. Albert Barot, dakong 9:00 pm, kainuman ng biktima ang kanyang tiyuhin sa  kanyang bahay at nang makaubos ng ilang bote ng alak ay lumabas si Damot upang bumili ngunit nakita niya ang suspek na umiinom din kasama ang kaibigan nito.

Tinanong ng suspek ang biktima “Ano ang problema mo?” na sinagot niya ng “Kung sasabihin ko ba sa iyo masosolusyonan mo?” na ikinagalit ni Ladia ngunit inawat siya ng kanyang mga kaanak.

Gayonman, nang paalis na ang biktima matapos ang negosasyon ay naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng ilang saksak sa katawan ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod si Damot ng nagrespondeng mga pulis sa naturang pagamutan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …