Sunday , November 24 2024
dead gun police

Vendor, itinumba sa harap ng stall

PATAY ang isang vendor matapos barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa kanyang stall sa loob ng palengke sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Michael De Ocampo, 48 anyos, residente sa S. Pascual St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego Ngippol kay Malabon City police chief Col. Albert Barot, dakong 3:09 am, nang maganap ang pamamaril sa harap ng Mike and Tin Stall, sa  Fish and Meat Section sa loob ng Malabon City Public Market sa Brgy. Tañong.

Abala umano ang biktima sa paghahanda ng kanyang mga panindang manok nang biglang dumating ang dalawang hindi kilalang suspek.

Isa rito ang lumapit saka pinagbabaril sa ulo ang biktima bago nagsitakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Kaugnay nito, agad ipinag-utos ni Col. Barot sa mga tauhan ng Sub-Station 6 sa pamumuno ni P/Lt. Rommel Adrias ang follow-up operation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa nasabing insidente. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …