Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Obrero ginilitan ng leeg

MUNTIK nang paglamayan ang isang 39-anyos obrero nang gilitan ng leeg ng lasing na kagalit habang naglalakad sa Malabon City, kahapon ng hapon.

Mabilis na naagapan ng mga doctor sa isang health center ang sugat ng biktimang kinilalang si Joel Robles, residente sa 86 Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat, sanhi ng tama ng patalim sa leeg.

Agad inaresto ang kapitbahay na kinilalang si Ricky Boy Bernal, 37 anyos, kalugar ng biktima, nakuhaan ng patalim na ginamit na panggilit sa kanyang leeg.

Sa ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Michael Oben kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dakong 3:00 pm, habang nakaupo at nagpapahinga sa isang upuan sa Talabahan St., Brgy. Hulong Duhat si Robles nang mula sa kanyang likuran ay sumulpot ang umano’y lasing na suspek na armado ng patalim at tinangkang gilitin ang leeg nito.

Bagama’t bumaon na ng bahagya sa kanyang leeg ang patalim, nagawa ni Robles na makipagpambuno sa suspek na nakatawag pansin kina Jayson Ramos at Danny Espiritu, kapwa mga nagrorondang barangay tanod, kaya’t mabilis na tumakas si Bernal.

Hinabol ng mga tanod si Bernal hanggang masukol at mabawi sa kanya ang ginamit na patalim na may bahid ng dugo habang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima na may bahagyang hiwa sa leeg.

Kasong attempted homicide ang kinakaharap ng suspek sa piskalya ng Malabon City. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …