Wednesday , December 18 2024

Konsehal ng Pandi, Bulacan, nagpasoklolo kay LMP President Ambrosio Cruz

Konsehal ng Pandi, Bulacan, nagpasoklolo Micka Bautista
MAGKASAMANG humarap sa media sina LMP President Mayor Ambrosio Cruz at Pandi Councilor Cris Castro upang magpaliwanag tungkol sa sinasabing usapin ng anomalya sa Livelihood Assistance Grant (LAG) sa Pandi, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

UMAPELA ng tulong kay League of Municipalities in the Philippines (LMP) President Mayor Ambrosio Cruz si Konsehal Cris Castro ng Pandi, Bulacan kaugnay sa mapanirang paratang laban sa kanya sa usapin ng Livelihood Assistance Grant o LAG sa naturang bayan.

Ito ay matapos ang magkasunod na imbestigasyon ng Task Force LAG sa sinasabing anomalya o reklamo sa pagbawas ng halagang P5,000 hanggang P10,000 mula sa P15,000.

Una nang lumutang sa huling pag-iimbestiga ng Task Force LAG ang isang ‘alyas Madam’ na tumayong whistleblower, na nagsabing isang Konsehal Cris, ang humikayat sa mga nag­rereklamo na dumulog sa National Bureau of Investigation o (NBI)

Ngunit mariing pinabulaanan ni Castro ang paratang ng whistleblower, na aniya ay walang katoto­hanan ang isiniwalat sa Task Force LAG.

Aniya, lubhang mali­syoso at mapanirang-puri ang mga sinabi ni ‘alyas Madam’ kaya bunsod nito ay iminungkahi ni Castro, na dapat alamin ang katotohanan sa likod ng mga alegasayon dahil hindi naman ito usapin ng politika.

Tinukoy din ng konsehal na dapat alamin kung legal ang operasyon ng Magic-7 Cooperative, na sinasabing pinaglagakan ng pera ng nasa 15 benepisaryo na una nang nagreklamo.

Aniya, duda siya na magamit ang isyung ito upang dungisan at akusahan ang kanyang pangalan lalo’t papalapit na ang 2022 national and local elections.

Samantala, tiniyak ni Mayor Cruz, na morally ay suportado niya si Konehal Castro sa magiging hak­bang nito upang mapa­nagot ang mga nasa likod ng malisyosong akusa­syon.

Gayonman, sinabi ni Cruz, mahalagang hinta­yin muna ang isinasa­gawang imbestigasyon ng Presidential Anti- Corruption Commission o PACC at NBI sa naturang isyu.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …